KABANATA 8

12 0 0
                                    

AILY POV

Namalayan ko nalang ang sarili kong kino-contact si Aril, ang pinsan ko. Lutang ang isip ko kakaisip kung bakit kasama ni Jared si Madison, at ganun nalang siya makakapit sa braso nito.

Ilang ring pa ng phone ko nang may magsalita na sa kabilang linya.

"Hello..." hindi ko alam pero kusa ng nagpatakan ang mga luha ko.

"Hello Raine? Okay ka lang ba?" mas lalo lang akong napaiyak sa tanong niya, magkabilaan kong pinupunasan ito ng kaliwang kamay ko dahil hawak ko sa kanan ang phone. Pero kahit anong gawin ko ayaw nilang tumigil sa pagtulo kaya naman di ko mapigilan ang paghikbi.

TT_TT

*sob*

"Raine!? Hey! Bakit ka umiiyak? A-anong nangyari?? Kinakabahan ako sayo!" histerekal niyang sabi.

Hindi ko alam kung pano ko uumpisahang sabihin sa kanya, kaya naman humugot ako ng malalim na hininga bago ako nagsalita.

"A-Aril...*sob*"

"Ano yun? sabihin mo sakin. "

"N-nandito na s-siya. Nandito na siya.." nagpatakan ulit ang mga luha ko.

"HOLY-SH*T!"

Alam na niya kung sino ang tinutukoy ko at kung bakit ako nagkakaganto ngayon.

"A-anong ginawa mo? Nilapitan mo ba siya? Kina-usap mo ba?"

"H-hindi.."

"Bakit hindi???"

"Kasama niya si- "

"Sinong kasama niya?"

"Si--- si Madison.." sobrang bigat ng pakiramdam ko ng banggitin ko ang pangalan niya.

"Madison? WHAT THE! MADISON ALCANTARA?!" tumango ako kahit na alam kong hindi niya to makikita.

"Ba't kasama niya ang bruhang pinsan ko?! Nasa New York yun eh! Kelan pa siya naka-uwi?!"

"Hindi ko alam... Hindi ko alam..." Magpinsan kami ni Aril pero sa Mother side, samantalang magpinsan naman sila sa Father side at noon pa man hindi na sila magkasundo.

"Ugh! Nakakainis ang Madison na yan! Umalis siya sa kanila for almost 2 yrs tapos ngayon babalik siya at magkasama.... s-sila?"

Katahimikan ang naiwan sa magkabilang linya namin, kapwa nag-iisip. Pero inunahan ko na siya.

"Hindi... Hindi Aril, hindi pwede *sob* hindi naman k-kilala ni Jared si Madison"

Pero panong ganun sila kalapit kanina?
Nanghihina ang buong sistema ko kaka-isip.

"Pero halos lahat ng studyante satin Raine, kilala siya."

"Aril..." nasabi ko nalang

Nasa kwarto lang ako ngayon sa bahay at katulong lang ang kasama ko, dahil ang magulang ko ay nasa probinsya kasama si Lola.

"Sssshhh, tahan na Raine. You need comfort, gusto mo bang puntahan kita dyan? Okay lang sakin yun" napangiti ako sa sinabi niya.

"No.. No.. It's okay couz. I'm okay" yeah Im okay...

"Anong I'm okay- I'm okay?! Hindi ka okay! Naiimagine ko pa nga lang ang itsura mo, alam ko ng hindi ka okay." rinig kong dabog niya dahil may narinig akong nalaglag na bagay.

"Please Aril... I am really okay. Delikado na din bumyahe mag-isa dahil gabi na"

"Kainis naman! Ba't pa kasi ako pinalipat mag-aral dito eh mas okay pa nga nung nandyan ako! ARGH!" di ko maiwasang hindi matawa sa sinabi niya. Thanks couz!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Twisted StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon