KABANATA 7

6 0 0
                                    

AILY POV

"Sa tagal kong nag-aaral dito, ngayon lang ako nakapagtambay dito hahaha. Haaaaay! Ang sarap sa pakiramdam ng hangin!" Napangiti ako sa sinabi ni Clarisse. Totoong nakakaginhawa sa pakiramdam ang ganitong kapreskong hangin at mangilan- ngilan na studyante lang ang dumadaan. Naka-upo kami ngayon sa bench na sa gilid nito ay napalibutan ng puno, mukha kasing matagal tagal na hintayan ang mangyayari.

"San ka ba madalas tumambay?" tanong ko. Umayos naman siya ng upo saka nilagay ang braso sa may sandalan ng bench saka sinagot ang tanong ko

"Hmm, bukod sa classroom ay sa mga bar lang naman hahaha"

"BAR?! Hahaha baliw ka! ba't bar ang tambayan mo?"

"Si Arsen ba nandito?"

"Huh? Teka ba't ba sinasagot mo ko ng tanong din?" gulong-gulo kong tanong. Panong pati si Arsen ay nasama sa usapan?

"Sagutin mo nalang"  tsk -_-

"Oo na... Syempre hindi, dahil malamang nakauwi na yun at nakikinig sa beats niya."

"Exactly! Si Axel ba nandito?"

"Para ka talagang baliw! Malamang wala dahil graduate na" mukhang alam ko na kung san ang takbo ng usapan namin hahaha.

"And last but not the least! Ang Nathan ba naglalagi dito?" napahagikgik siya, pangalan palang ni NatNat kinilig na -_-

"As if naman!"

"Ayan nasagot mo na tanong mo sakin Sis hahaha!"

"Baliw kana nga! ahahaha"

"Hmm! Baliw sa kanila hahahaha! Kaya magkikita ulit tayo sa gig niyo mamaya!" excited niyang sabi na parang naging puso na ang mga mata niya

"Ano pa nga ba, e lagi ka ngang present!" saka kami nagtawanan dalawa.

Kada gig kasi namin ay nakikita ko siya dun. Weekends lang kami nagpeperform dahil syempre, study first ika nga. Si Kuya Axel naman ang kadalasan nandun dahil nagpeperform siya minsan ng solo. Baka nga yun na talaga trabaho niya, di lang namin natatanong hahaha.

"Wait! Di naman kami lagi sa YG para magperform ah... Wag mong sabihin araw-araw ka sa bar??!" nakakabaliw siya grabe! Ano yun favorite place niya ang bar?!

"Aily, Aily, Aily... Sa panahon ngayon mas bahay ko na ang bar kesa sa totoong bahay ko" walang bakas ng biro ang pagkakasabi niya. Pero 'WOW' as in 'WOW'

"Woah.. Ngayon ko lang nalaman na sa bar kana nakatira hahaha" biro kung sabi kaya naman nagtawanan nanaman kami.

Mabait si Clarisse alam ko yun, sadyang pag dating lang sa gantong usapan as in literal siyang bulgar kesa samin ni Yara. Ilang kwento pa ang napag-usapan namin ng bigla nalang siyang napasigaw.

"OH MY! OHHH MMYYYY!!!" biglang sigaw ni Clarisse na nakatingin sa likod ko.

"Ba't ba napapasigaw ka diyan?"

"WAAAAAAHHH!!! NANDITO SIYA!!!!" >>_<< aigoo! parang Riri!

"Sino??"

"Tumingin ka sa likod mo dali!!! Gosh!!" napapatakip pa talaga siya ng bibig niya sa sobrang pagkabigla, napa-ibabaw naman ang braso ko sa sandalan ng bench dahil medyo nasasarahan ito ng puno saka ko nilingon kung ano ang tinitignan niya. Pero siya palang magpapahinto sa kilos ko...

"Gosh! Mag-aaral ba ulit siya dito?"

"Pero sa tingin ko Graduate na siya diba? Mas ahead lang kasi satin yan ng 1 year..."

My Twisted StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon