KABANATA 5

20 1 0
                                    

KAYDEN POV


Ba't ngayon niya lang sinabi sakin?

Kung sana sinabi nila sakin ng mas maaga may nagawa pa sana ko, hindi sana siya nalulungkot ngayon. Alam ko na sobra-sobra siyang nahihirapan, alam ko yun.

Nakaka-inis!

Dahil bakit sa lahat ng tao na pwede niyang kalimutan, bakit sya pa! Para san pa at nagparaya ako! And worst malalaman ko pa na may girlfriend sya?! Damn it!

May usapan tayo Red, at mukhang hindi ka tumupad..



FLASHBACK


2 yrs. ago

Hindi ko alam kung tama bang nagpa-ubaya ako, ilang beses kung kina-usap ang sarili ko sa gagawin ko. Pero agad din akong tumigil dahil ano nga bang laban ko?

Siya ang mahal ng babaeng mahal ko. At ako? Kaibigan lang.

"Nag-usap na tayo tungkol dito Zac! Ang sabi ko layuan mo siya! Pero anong ginagawa mo?! Patuloy ka pa rin lumalapit sa kanya!" madiin ang bawat salitang binibitawan niya sakin, halatang nagtitimpi ng galit.

Nandito kami ngayon sa likod ng college building. Malayo kay Raine na nasa lilim ng puno kasama ang pinsan niya sa field.

Nakita niya kasi kami ni Raine na magkasama, kasama naman namin nun ang pinsan niya ang kaso ay may naiwan ito sa library kaya naman agad niya itong binalikan. Habang tinutuloy ko naman ang pagtugtog gamit ang gitara ko at siya naman ay sinasabayan ako sa pagkanta. Dahil araw-araw naman ganito ang eksena namin, kaming tatlo habang hinihintay na magdismiss ang klase ni Red. Kumbaga tambayan na namin ang pwestong 'to.

Sinabi ko na to sa kanya, ilang beses na paliwanagan ang nangyari samin pero ni minsan ata hindi sya naniwala. Sarado na ang isip niya sa usapang to dahil alam niyang may gusto din ako sa taong mahal niya.

"Alam ko. Pero hindi ko naman intensyon na agawin sya sayo. Red magkaibigan tayo kaya alam mong hinding hindi ko gagawin ang sinasabi mo" sambit ko

Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na agawin ang taong gusto niya. Dahil una palang nang malaman ko na iisang babae lang pala ang gusto namin ay ako na mismo ang dumistansya. Bakit? Simple lang, dahil hindi ako ang gusto ng taong gusto ko kundi siya. Ang kaibigan ko.

Ginawa ko ang lahat para umiwas sa kanila, ginawa kong abala ang sarili ko sa ibang bagay para maibsan ang sakit. Sobrang sakit.

"Siguraduhin mo lang, dahil baka pati samahan natin masira." napakuyom ako ng kamao sa sinabi niya.

Matagal na kaming magkaibigan since elementary pa lang. Hindi ko akalain na sa ganitong sitwasyon kami matatapos.

"May isang salita ako Red. Pero sa oras na bitawan mo siya, ako mismo ang sasalo sa kanya." madiin kong sabi

"Hinding hindi ko siya bibitawan" seryoso siya, pero seryoso din ako.

"Then keep your words." saka na ko tumalikod at iniwan siya. Pigil na pigil din ang galit ko dahil sa hindi niya pakikinig sa dahilan ko.

Alam ko na sa puntong yun, nagkaron na ng lamat ang pagkakaibigan namin.

END OF FLASHBACK

Last week ko lang nalaman ang tungkol dito, naghalo-halo ang tanong sa isip ko. Sa sobrang dami nagkanda buhol-buhol na. Kung sana mas nalaman ko ng mas maaga...

knock! knock!

"pasok" sabi ko dahil abala ko sa pag-aayos ng mga gamit

"sigurado kana ba sa balak mo?" tanong niya habang nakasalikop ang magkabilang kamay palapit sakin

My Twisted StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon