AILY POV
"It's all for today then hands on ulit tayo tomorrow" huling linyang sinabi ng prof namin bago tuluyang lumabas ng room. Na siya naman naging hudyat para mag-ingay ang mga kablockmates ko.
"hay sa wakas! no more aral-aral! luto na this!" sabi ni Clarisse
"waaaah! Ito na!! wala na talagang atrasan to!" napalingon naman ako sa sinabi ni Yara kay Clarise dahil halatang kabado ito.
"kawawa naman ang makakakain ng luto mo Yara! hahaha" gatong ni Clarise na nagpalumo naman sa mukha ni Yara.
'pero pano naman naging kawawa?'
"Ang sama mo! porke magaling ka lang magluto!" halos mangiyak ngiyak na sabi nya, pero itong si Clarise tinawanan lang.
Maski tuloy ako natatawa! kaya naman pala! xD
"HOY AILY! TARA NA!" napatingin naman ako sa harap ng room namin at tumambad sakin ang nagsisiksikan kung mga kablockmates at kabilang room??
O.o?
Pero sa sigaw palang na yun ay alam ko na si Nathan yon. tsk chick magnet -_-
Kaya naman inayos ko agad ang lahat ng gamit kong nagkalat sa desk at nagpaalam kay Yara at Clarise. Iilan lang din kasi ang nakaka-usap ko dito at sila yun.
"una na ko sa inyo" paalam ko
"ok, ingat Aily" si Yara na halatang problemado para bukas
"bye Ai! pakiss nalang ako kay baby Nathan please.." pagpapacute naman ni Clarise
"hahaha! loko ka talaga! geh bye na!"
Ako? hahalikan si Natnat?! Nah-uh! ASA!
lalaki lang lalo ang ulo nun!Malapit na ko kay Nathan na pinagguguluhan pa rin hanggang ngyon nang may biglang humawak ng braso ko. Si Carlo, sa sobrang pagtataka ay na-itabingi ko ng konti ang ulo ko.
"ingat.." nginitian niya lang ako matapos sabihin ang linyang yan, saka naunang lumabas.
'eh?'
Kung siya kaya ang sinabihan ko ng ingat dahil mas nauna pa siyang lumabas kesa sakin. Wierd..
"halika na... tama na yan Natnat!" hila ko sa kanya nung makalapit na ko
"excuse me. Excuse!" tsk! bat ba baliw na baliw sila sa lalaking to?!
"woah!a-aray Ai! teka t-teka!" reklamo niya
"bye girls! see you later!" saka niya kinawayan at nag-iwan pa talaga ng flying kiss sa mga yun na halos himatayin sa kilig dahil sa ginawa ng chickboy na to. -_-
'psh!'
"Nako Natnat! hokage ka nanaman!" iritabling sabi ko pero tinawanan lang ako
"hahaha!"
"baliw!"
"amin-amin din kasi BABE, alam ko naman na may HD ka sakin eh. Tignan mo" diniinan niya talaga ang salitang babe pero hindi ko na yun pinansin at tinignan nalang kung san nakaturo ang nguso niya.
Nakahawak ang kamay ko sa braso nya malapit sa siko. Binitawan ko naman agad.
"Asaness Natnat! cannot be borrow one! ahahaha!"
"indenial pa! hahaha" natawa nalang kaming dalawa dahil asaran nanaman ang mangyayari
"practice na ba?" tanong ko
BINABASA MO ANG
My Twisted Story
Teen FictionPano kung magising ka nalang isang araw... Yung taong mahal mo, may mahal ng iba... Susuko ka na lang ba o ipaglalaban mo pa? Hanggang san ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo.