Chapter 2
UninterestedI've always liked sports and outdoor activities. Lalo na kung kasama ko ang mga pinsan ko. Kaya nga mga event na ganito sa aming school ang talagang iniintay ko taon-taon.
"Water?" Tumango kami ni Maggie sa bagong dating na pinsan na si Leo.
Inilapag niya ang ilang bottled water at energy drinks sa may lamesa at naupo din doon sa may bench katabi namin.
For today ay nasa field lang kami at nagpapalipas lang ng oras. We had few games yesterday, ngayon ay mayroong isa at kung papalarin na makapasok sa finals ay baka hanggang bukas ay mayroon pa rin.
"Nasaan sila Sancho?" Maggie asked, opening her water.
Nakita kong lumabi si Leo at itinuro ang sa may canteen. They're probably with their other friends or classmates at baka tulad namin ay nagpapalipas din ng oras.
"Nga pala, have you heard" sabi ulit ni Maggie. "Sancho's joining battle of the bands tomorrow."
Nakita kong napatingin si Leo kay Maggie but he doesn't seem suprised. Tumango lang tapos ay hindi na ulit nagsalita.
Nanood lang kami nila Maggie doon hanggang mag-lunch na. Our game is scheduled after lunch pa kaya medyo may time pa naman para tumambay. By lunch time ay nasa canteen naman kami kasama ang ibang pinsan para kumain.
"Let's visit the farm this weekends?" Biglang sabi ni Trevor, nagpapahinga na sa may tabi ni Leucio.
Ngumisi ako at hindi na rin tumanggi.
By 3PM ay naka-lineup na kami sa Gym. Maggie is behind me who can't stop talking on how much she wanted to unwind after our school fest. Akala mo naman ay stress na stress siya, though to be honest ay wala naman kaming ginagawa buong linggo kung hindi ang maglaro o hindi kaya ay tumambay o manood ng ibang games.
"Villegas girls, you're in."
Tumango ako sa aming coach at pumasok na sa loob ng court. I just fixed my sports band a little bago ako pumisisyon sa pwesto ko.
And then after a while, our game is already beginning.
"Mine!" Maggie shouted.
Tumakbo ako paalis sa direction niya at hinayaan siyang saluhin ang bola. She strike the ball and then we scored 1.
"Nice!" Nakipag-apir ako kay Maggie at tumawa noong humagikgik rin siya.
Half-time ay pawisan na kaming lahat. Lamang iyong kalaban namin at medyo nahihirapan talaga dahil surprisingly ay magagaling iyong player sa kabila.
Nagkaroon pa ng kaunting break dahil natamaan ako ng bola sa may mukha dahilan para agad na magdugo ang ilong ko. Dahil doon ay inilabas muna ako at pinagpahinga sa may bench.
"Go, Mag!" Sigaw ko. "Go team!"
I feel guilty for not being in the game kaya sa pag-cheer ko nalang binabawi. But the game ended and we lost.
"Okay lang 'yan!" Sabi ni Aya, isang ka-team. "Bawi next year!"
Dahil sa hindi naman din talaga kami naapektuhan sa pagkatalo ay nagtatawanan pa kaming lumabas sa gym. Maggie can't help but to ask about my nose.
BINABASA MO ANG
You Make My Dreams
RomanceRamona's life was all easy. Para sa kanya, ang tanging hamon lang ng buhay ay ang aplido na mayroon siya. She's thankful, yes. But sometimes she can't handle the pressure that comes with the surname she's carrying. Iba ang pananaw na mayroon siya ku...