Chapter 3
PastKuya left for the US months after his high school graduation. Noon, hindi ko alam ang eksaktong dahilan kung bakit. Ang alam ko lang ay umalis siya para doon mag-college. And then as I age, doon ko mas na-realized talaga kung bakit siya umalis. It's because of something he did na nalaman ni Lolo. And to think that he was sent abroad for it just meant na hindi lang simple ang nagawa niya. Nakakatakot tuloy na isipin ang gumawa ng kalokohan, lalo na at may living proof kung ano ang mga pwedeng mangyari kung sakali.
Days had passed at nawala na rin naman sa isip ko si Kuya. Hindi na rin naman siya nagtext ulit kaya hindi ko na rin masyadong pinagtuunan ng pansin.
"Lalim niyan, ah?"
Napaayos ako ng upo nang dumating si Maggie. She's on our usual uniform like me. Pagkaupo niya sa may bench sa harap ko ay in-unbotton niya ang butones ng longsleeves niya at itinupi hanggang siko. She even brought out a mini fan from her pocket.
"It's so hot these days!" Reklamo niya na kaagad kong sinang-ayunan. "Nga pala, Trev asked me if you're coming with us tomorrow?"
Ngumuso ako at tumango. It's Saturday tomorrow at bukas iyong napagplanuhan na pagbisita namin sa farm. They wanted to unwind and have picnic. Sana lang ay hindi kami ganoon kaaga umalis dahil for sure ay tanghali ako magigising dahil weekends.
Just to wake up early for our errands tomorrow ay nag-alarm na lang ako pagkauwi sa bahay. I set it ng 9am dahil 11am daw ako dadaanan ng mga pinsan ko.
True enough, the next day ay kung hindi pa dahil sa alarm ko ay hindi ako magigising!
After turning it off ay dumiretso na ako sa banyo para maligo pagkatapos ay nag-ayos na rin ako. Because it's really hot these days ay nag maong shorts lang ako at croptop. And since we're only going to the farm ay nag flipflops lang ako. I will just bring sneakers or something with me in case they wanted to go somewhere else after.
Before 11am ay narinig ko na ang sasakyan ni Leucio na pumapasok ng aming gate at humihinto sa may garage. I finished getting ready and just applied lipbalm and perfume bago ako pumihit papunta ng pintuan para lumabas na.
"Are you done na?" said Maggie, pumapasok ng aking room para i-check ako.
Tumango ako at sinukbit ang aking sling bag.
"Tara na ba?" I asked. "Hindi pa ako nagb-breakfast!" reklamo ko dahil nagsisimula nang kumalam ang tiyan ko sa gutom.
Ngumuso si Maggie at tumango.
Sabay na rin kami na lumabas at bumaba. Ilang sandali lang ay nasa daan na rin naman kami. I was seated at the backseat, nasa harapan si Maggie at nagddrive naman si Leucio.
Just like we planned ay magp-picnic nga kami doon. They have brought foods, nasa sasakyan nila Trevor dahil mas malaki ang dala niyang sasakyan at kasya ang mga cooler.
The whole ride towards the farm is quiet. Dahil hindi rin naman ganoon kainit ang sikat ng araw ay nagbukas lang kami ng windows para mas malanghap ang sariwang hangin.
"Lakasan mo ng kaunti." I told Maggie as a pamilyar song started to play.
Humilig ako sa aking upuan at pinagmasdan ang nadadaanan na mga puno at malalawak na bukirin.
BINABASA MO ANG
You Make My Dreams
Roman d'amourRamona's life was all easy. Para sa kanya, ang tanging hamon lang ng buhay ay ang aplido na mayroon siya. She's thankful, yes. But sometimes she can't handle the pressure that comes with the surname she's carrying. Iba ang pananaw na mayroon siya ku...