SIX months ago...
She winced when she saw the twentieth guy appeared on her phone screen. Hindi ba ito nausuhan ng glutathione o ng kojic man lang? Her groin is whiter than him! My gosh! She kept on swiping pero kapag minamalas ka nga naman. Wala man lang guwapo. She logged out and turned the mobile data off.
"Bakit mukha kang nalugi dyan, Jaja?" tanong ng Ate Julie niya nang makaupo ito sa sofa bitbit ang isang basong gatas.
Tumingin siya sa kanyang ate na anim na buwan nang buntis. Pinakiusapan siya ng asawa nito na samahan muna ang kapatid dahil may emergency meeting lamang ito ngayon. Pumayag naman siya dahil rest day niya ngayon sa trabaho. Napakunot-noo siya habang pinagmamasdang ang kapatid habang umiinom ng gatas. Marahil ay pangatlo o pang-apat na baso na nito iyon.
"Hindi ba masama ang sobra sa gatas? Baka mag-overweight naman 'yang anak mo. Mahihirapan kang manganak," aniya.
Ngumuso ito. "Hindi naman. Naglalakad-lakad naman ako sa labas tuwing hapon. Saka sinamahan ako ng kuya mo sa yoga class ko kahapon," anito. Iyon kasi ang payo ng OB Gyne nito na kung maaari ay mag-ehersisyo ito para hindi gaanong mahirapan sa panganganak.
Napahawak siya sa tiyannito. Dalawang buhay ang dala-dala ng kanyang kapatid kaya todo alaga ang asawa nito lalo na noong muntik na itong makunan.
"So, how's your love life? Di ba, sabi mo ay may tatagpuin ka noong isang araw? How was it?" tanong nito.
She rolled her eyes. "Ayun, panay pagyayabang ng kayamanan niya. Oo, guwapo siya pero ayoko namang maka-date ang lalaking panay trabaho ang pinagsasasabi." Ano naman ang mapapala niya roon? Una pa lang ay halatang hindi relationship ang priority nito.
Natawa ang kapatid. "I told you, stop looking for someone. Saka ang daming gusto manligaw sa 'yo, ah? Ikaw lang tong pihikan at ni-reject mo lahat. Paano ka nga magkaka-boyfriend? Or why don't you date Louie? Sabi ni Raffi, single din daw iyon."
She shuddered at that thought. "Huwag na lang. Hulma pa lamang ng mukha ay halatang manloloko na. Saka ayoko ng kakilala n'yo."
Uminom nito ng gatas bago nagsalita. "Ay, wow! Ang judgemental niya. And that's better nga, eh. At least we know if the guy has the capability of hurting you. Or kung saktan ka man niya ay ipapabugbog ko sa kuya mo."
"Ate, everyone has the capability of hurting other people. Nasa tao na lang yan kung may intensyon talagang manakit. And those guys who wanted to court me, alam ko ang gusto nila. They just wanted to go inside my underware." Which is totoo naman, dahil kung may isa man na talagang gusto siya ay hanggang ngayon ay liligawan pa rin siya nito. Pero wala, eh. Ilang linggo pa lamang ay nabalitaan nang may mga kanya-kanya na itong girlfriend o di kaya naman ay nililigawan. She believes in patience of love. Kaso wala noon ang mga dating manliligaw.
"Pain is part of loving. Mag-asawa yan. Sino namang Poncio Pilato ang hindi nasaktan habang nagmamahal? Kung mayroon man ay hindi tunay ang pagmamahal na yon. Saka ikaw, ah. Huwag kang kani-kanino nakikipag-date lalo na kung kakakilala mo pa lang. Iba na ang panahon ngayon."
"Opo, mama."
Napatawa ito nang bahagya. Kung tutuusin ay naiinggit siya sa Ate Julie niya dahil nakilala na agad nito ang lalaking para rito. Her sister and brother-in-law were batchmates before. Walang ligawang naganap. Basta na lang daw naging magkarelasyon ang mga ito. At kita naman niya ngayon kung paano nagbunga ang pagmamahalan ng mga nito. Magkakaroon na siya ng mga pamangkin.