KANINA pa ginigising ni Jaquelin ang kanyang kaibigan na wala yatang balak na pansinin siya. She went in his condo unit and good thing he did not change the passcode yet. Walang kahirap-hirap na napasok niya ang kuwarto nito because she knew that he never lock his door unless may kababalaghan itong ginagawa.
Patuloy ang ginagawa niyang paggising rito pero hindi siya nito pinapansin. Bagkus ay nagtaklob pa ito ng unan sa ulo.
"Patrick! Wake up!"
Inaalog-alog niya ito ngunit ungot lang ang sagot nito sa kanya.
"Kapag hindi ka gumising diyan, sasabihin ko kay Tito Misael na nag-uuwi ka ng lalaki rito!" papanakot niya pa.
Alam niya kasing takot ito sa ama. Nagtagumpay siya nang iritadong hinarap siya nito at naupo.
"What the hell, Jaquelin?! Can't you see I'm still trying to sleep? My gosh! Alas-sais palang ng umaga, oh, at Linggo ngayon. Wala ka bang ibang gagawin at binubulabog mo ako? Don't tell me magyayaya ka magsimba? You know naman na masusunog ako kapag tumapak sa simbahan!"
She rolled her eyes. "I'm not here para yayain ka magsimba, okay?"
Ginantihan rin siya nito ng irap. "Then what are you doing here nang ganitong kaaga? Inaabala mo ang beauty rest ko."
Hindi niya alam kung paano sisimulang sabihin rito ang nangyari kagabi. Alam niya kasing he will freak out kapag nalaman nito ang dahilan kung bakit hindi siya nakatulog nang maayos.
Nagkatitigan lang silang dalawa, still trying to construct the words she wanted to say.
"Enene? Oo, guwapo slash maganda ako pero huwag mo akong titigan nang ganyan. Nakakakilabot ka, girl!" anito na parang diring diri sa kanya.
Nahampas niya ito sa braso. "Asa kang bakla ka! If I know, nagka-crush ka sa akin dati!"
Umakto itong parang nasusuka kaya nahampas na naman niya ito.
"Bumangon ka na kasi! Then, cook breakfast for us. Nagugutom na ako."
"Ay wow, Jaquelin Leticia Suarez! Pumunta ka dito, binulabog mo ang tulog ko pagkatapos ay sasabihin mong you just want me to cook breakfast for you? Eh, kung sabunutan kaya kita?"
Humalakhak siya. Nakakatawa kasi ang facial expression nito nang sabihin iyon.
"Hiyang-hiya naman ako kapag humihingi ka ng favor! Remember when you beg me to accompany you sa party and I was even your driver na iniwan mo because you met—"
"Oo na! Oo na! My gosh, Ja!"
Inirapan siya nito saka kumamot sa ulo bago tumayo. She smirked.
Nasa kitchen sila ngayon ng kaibigan at kinakausap pa rin niya ang sarili kung paano sasabihin rito ang nasa isip niya.
Humarap ito sa kanya saka ipinatong ang plato na may lamang bacon, egg and wheat bread. He even prepared an orange juice for her. Dito na lang kaya uli siya tumira para may tagahanda ng agahan niya? Ganoon kasi sila dati noong dito sa pa siya nakatira. Aliping Saguigilid niya ito, kumbaga. She laughed at her thought.
"Ano na namang tinatawa-tawa mo dyan, Senyorita?" Umirap na naman ito sa kanya.
"Tigilan mo nga iyang pag-irap mo sa akin. Dukutin ko yang mata mo, eh." Dinilaan lamang siya nito.