Chapter 4

57 1 0
                                        

"WHAT?!" Napapikit si Jaquelin dahil sa pagsigaw ng kaibigan niya. Tulad nga ng plano ay pinuntahan niya si Patrick para magkuwento ng mga nangyari at matanong na rin kung bakit iniwan na lang siya nito sa Valkyrie. Naikuwento na rin niya ang tungkol kay Gavin.

"Oh my gosh! Si Gavin? Inuwi ka sa condo ng isang Gabriel Vince Rodriguez!? Grabe, friend! You're such a lucky dumbass! Mukhang napabuti pa ang pag-iwan ko sa 'yo kagabi, ah. So tell me, how was he? Is he good? Papasa ba?"

She rolled her eyes. "I told you. Walang nangyari and I believed him." Nang magkuwento kasi ito sa sasakyan ay nakita niya sa mga mata nito na nagsasabi ito ng totoo.

"But who knows? Wala kang malay and take note, siya pa ang nagpalit ng damit mo. Sa sexy mong yan at may ipinagmamalaki naman talaga, ewan ko na lang kung hindi siya nasilaw o natempt man lang na hawakan ka."

May punto rin naman ang kaibigan pero ayaw naman niyang i-judge agad si Gavin. Kabila ng utak niya ang nagsasabing wala talaga itong ginawa sa kanya. Mukhang malisyoso lang talaga ang kaibigan niya.

"Anyway, you still need to explain kung bakit hindi mo na ako binalikan kagabi. Ang sabi mo sa akin nang umalis ka ay ikukuha mo lang ako ng tubig," irap na sabi niya rito.

Napakamot ito sa ulo. "Kinuha naman talaga kita ng tubig kaso may lumapit sa akin na fafa at nakipagkuwentuhan. And the next thing I knew, we're kissing na!" kinikilig na kuwento nito.

She made face. "May lumapit lang sa 'yo nakalimutan mo na ang kaibigan mo. And geez! Nakipaglandian ka pa talaga!"

Ngumuso ito. "Papalagpasin ko ba naman ang chance? Iyon na yon, eh. Pero I swear, hinanap kita pagkatapos. Natakot nga ako kasi akala ko napaano ka na lalo na nang makita ko na nandoon pa din ang sasakyan mo. Nasira kaya ang beauty rest ko dahil hindi ako makatulog kakaisip sa 'yo!"

"So kasalanan ko pa pala at hindi ka nakatulog?"

Umiling ito. "Ikaw naman. Bakit ba ang taray mo? Sorry na nga, eh." Hinawakan siya nito sa braso saka inalog-alog siya. "Love mo naman ako, friend, di ba?"

Inirapan niya ito. Hindi rin naman niya ito matitiis, eh. Kasalanan rin niya dahil madami siyang iniinom kagabi.

"My gosh! Oo na. You're forgiven. Tigilan mo lang yang pagpapa-cute mo. Hindi bagay."

Niyakap siya nito nang mahigpit. "Thank you, friend. I love you na talaga!"

*^*^*^
Alas-otso pasado na nang makarating si Jaquelin sa opisina. Bitbit niya rin ang dalawang cup ng kape na nakasanayan na niyang bilhin tuwing umaga. One for him and the other for her boss. Nagtatrabaho siya sa isang manufacturing company at executive secretary siya ng CEO niyon. Bago pa man siya makarating sa puwesto niya ay hinarang siya ng isa nitong kaopisina.

"Jaja! Totoo ba ang balita? Magtatanggalan na raw ng mga empleyado?" Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. Kapapasok pa lang niya ay iyon na agad ang balitang nasagap niya.

"Saan mo naman nakuha ang balita na yan?" Wala naman kasing sinasabi sa kanya ang boss niya at kung mayroon mang problema sa kompanya ay sinasabi agad nito sa kanya.

"Narinig namin si Sir Jovan kanina na may kausap sa telepono. Hindi ko alam ang buong istorya pero ang pagkakaintindi ko ay may isang investor na ninakawan ang kompanya natin. Siguradong malaking halaga iyon. At inannounce niya pa sa lahat na posible ngang magkatanggalan. Naku, Jaja. Paano na tayo nito?"

Tinapik niya ito sa balikat. "I'll talk him."

Kumatok muna siya bago pumasok sa opisina ng kanyang boss. Nadatnan niya itong nakayuko at hinihilot ang sintido. Lumapit siya roon saka inilapag ang kape nito sa mesa.

Untitled Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon