NAPALUNOK siya nang mapatingin kay Gavin nang isinubo nito ang hiniwang lobster. Nafu-frustrate siya dahil mukhang masarap iyon at tila nanunukso pa ang huli habang ngumunguya. As much as she wanted to eat seafoods ay hindi naman siya puwede. Baka isugod na naman siya sa hospital dahil sa allergy at ayaw na niyang mangyari iyon dahil bukod sa nahihirapan siyang huminga ay masakit din sa bulsa ang pagpapaospital. Napabuntong-hininga siya saka uminom na lamang ng red wine.
Napadako na naman ang tingin niya rito habang umiinom siya. Sa tingin niya ay nag-slow motion ang pagnguya nito. Nagkaroon tuloy siya ng chance na pakatitigan ang facial features nito. Aaminin niyang nananampal talaga ang kaguwapuhan ng binata. The way he simply bite his lips so he could taste the remaining sauce in his mouth is very sexy. Nakita niya rin ang paggalaw ng adams apple nito. She bite her lower lip to delete her thoughts.
Umayos ka nga, Jaquelin!
Kanina pa siya nag-iisip ng maaaring sabihin rito pero umuurong ang dila niya dahil baka walang sense ang kanyang masabi.
Napabuntong-hininga na lamang siya.
"Are you okay? Hindi mo ba gusto ang pagkain?" anito.
Umiling-iling siya. "N-No. I like the food pero kasi... parang ang sarap niyang kinakain mo?"
"Gusto mo? Io-order kit—"
"Huwag na, Gavin. I'm allergic sa seafoods," pagpigil niya rito.
He looked at her amusingly. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain saka iniiwas ang kanyang tingin rito. Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. But she saw in her peripheral vision that he was still looking at her.
"I-I am just curious... Bakit bigla kang nag-invest sa kompanya?"
Finally, she opened a topic para naman maging light nang kaunti ang atmosphere. Pakiramdam niya ay mapapanis ang kanyang laway.
Pinunasan muna nito ang bibig bago uminom ng tubig.
"Why not invest? Jovan is a friend and he's my cousin's boyfriend, anyway. I wanted to help," kibit-balikat na anito.
Nanlaki ang mga mata niya. "Oh? Magpinsan kayo ni Mikaela?"
Tumango ito. "Yes. Sa mother side."
She pouted her lips. Akala pa naman niya ay kaya ito nagkaroon ng interes for investment ay dahil sa ginawa nito sa coffee shop. Na bumabawi lamang ito dahil sa pagsuntok sa isang prospect nila. Iyon pala ay pinsan ito ni Mikaela. Hindi na siya magtataka kung papaano ito nakumbinsi. Malamang ay kinausap siya ng pinsan nito na tulungan ang nobyo. She wondered... Madami pa siguro itong negosyo aside from his own company. Iyong brand ng wine at ngayon naman, he even have a share sa company nila. She cannot imagine how rich his family is.
"Are you that close to him?"
"Huh?"
"The way Jovan talks to you... It's different. As if you were close to each other." It sounded like he wanted a confirmation.
"We're friends."
Ayaw naman niyang sabihin pa rito na nanligaw sa kanya si Jovan noon. Kahit na may nobya na ito ay hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. But of course, not in a romantic way.
Tumaas ang kilay nito and looked straight in her eyes. Para bang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.
"Ganoon naman talaga makitungo si Jovan sa mga empleyado niya. Pantay-pantay. Yes, he's the boss but he wanted to treat him as an employee katulad namin."
She saw his shoulders loosen up. "I see. I just wanted to know if you're a threat to their relationship."
Kilay naman niya ang tumaas. Ano ang akala nito sa kanya? Relationship wrecker? Mang-aagaw? Malandi? Aba teka...