HINDI pa rin makapaniwala si Jaquelin sa nangyari kanina sa coffee shop. Gavin punched Mr. Angeles and he even said to stay away from her na para bang pinagbabantaan nito iyon. Kung hindi pa siya nito nahigit palabas ay mananatili siyang nakatayo roon. Pero ang mas inaalala niya ay baka hindi nito ituloy ang pag-invest sa kumpanya nila dahil sa natamo nitong suntok.
Napangiwi siya. Paano niya sasabihin kay Jovan ang nangyari?
She did not want to disappoint him. Gusto niyang may maganda siyang balita rito. Kailangan siguro niyang bumalik sa loob at humingi ng tawad kay Mr. Angeles. Palalagpasin na lang niya sa ngayon ang pagtangka nitong pambabastos sa kanya. Ang mahalaga ay ang interes nito sa kanilang proposal.
Nakasunod lang siya kay Gavin nang pumihit siya pabalik sa coffee shop.
"Where are you going?" rinig niyang tanong nito nang makita siguro siyang pabalik sa pinanggalingan nila.
"Kailangan kong humingi ng tawad kay Mr. Angeles."
Nangunot ang noo nito. "For what?"
"Sa pagsuntok mo sa kanya."
Naiwan na lamang kasi itong nakahandusay sa sahig at putok ang labi. Hindi niya akalaing malakas pala manuntok itong si Gavin.
"Bakit ka magso-sorry sa kanya? He deserved it. Kung hindi ko pa nga siguro nasuntok iyon ay baka kung ano pa ang gawin niya sa 'yo."
Gusto niyang itaas ang kanyang kilay because he sounded as a protective boyfriend.
She crossed her arms saka sinalubong ang tingin nito sa kanya.
"Mr. Rodriguez... For your information, nanakawan ang kumpanya namin ng malaking halaga and Mr. Angeles is our target investor. Malaki ang maitutulong niya sa kumpanya namin para makaahon kapag napapayag ko siya sa proposal. Pero mukhang malabo na iyon because you punched him! At gusto kong humingi ng sorry dahil baka magbago pa ang isip niya. Ano na lang ang sasabihin ko sa boss ko?"
Nakatingin lang ito sa kanya na walang expression ang mukha.
"Didn't you know he was charged a sexual harassment multiple times?" Natigilan siya sa sinabi nito. "Kung gusto mong magpabiktima sa kanya, sige bumalik ka roon. Just don't expect na tutulungan pa kita uli 'cause I warned you already."
She bit her lower lip. Nakatingin lang siya rito habang nag-iisip ng sasabihin. Hindi naman kasi niya kayang kuwestiyunin ito kung paano nito nasabi ang paratang sa lalaki. Obviously, businessmen know their foes at ang mga baho ng isa't isa. Hindi na siya magtataka kung may alam ito tungkol sa ginoo.
"Fine. Whatever."
She rolled her eyes saka ito tinalikuran. Babalik na lang siguro siya sa opisina. Tatawagan na lang niya si Jovan at ipapaliwanag rito ang mga nangyari. May iba pa namang investor sa listahan niya.
"Where are you going this time, lady?" kunot noong pigil uli nito sa kanya.
Hinarap niya ito. "Bakit kailangan mo pang malaman?" nakataas ang kilay niya.
Ngumisi ito saka napailing. "You really don't know how to say 'thank you', do you?"
Napanguso siya. "T-thank you," mahina ngunit alam niyang rinig nito iyon.
He smiled. Pero agad siyang tumalikod rito at tumakbo para pumara ng taxi palayo sa lugar na iyon. Hindi niya kasi bigla maintindihan ang sarili.
Napahawak siya sa kanyang dibdib. Bakit ganoon na lang ang epekto ng ngiti nito sa kanya? Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Nababaliw na yata siya.
Agad na ikinuwento at ipinaliwanag ni Jaquelin kay Jovan—nang makabalik ito sa opisina—ang nangyari sa coffee shop. Naiintindihan naman nito iyon at nakahinga nang maluwag dahil walang nangyaring masama sa kanya. Sinabi pa nito na ito na ang bahalang makipag-usap sa iba pang possible investors. Siya naman ay abala sa pag-contact sa mga ito at pagpapa-schedule ng meeting.