Chapter 3

128 1 2
                                    

DAHAN-DAHANG bumangon si Jaquelin sa kama kahit napakabigat ng pakiramdam niya. Nasapo niya ang kanyang ulo nang maramdamang masakit iyon. Hang over sucks! Hindi niya na matandaan kung gaano karami ang nainom niya at kung papaano ba siya nakauwi. Nilibot niya ng tingin ang buong kuwarto. Ganoon na lamang ang pagkakunot ng noo niya when she realized it was not her room. Iniuwi ba siya ni Patrick sa condo nito?

Pinilit niya ang sariling tumayo upang makalabas ng kuwarto and she was right. She was in a condo unit but there was also something wrong. It was not Patrick's unit! Kilalang kilala niya ang unit ni Patrick lalo na ang interior design nito at ibang-iba iyon sa kinalalagyan niya ngayon. Where the hell is she!?

Parang nawala bigla ang sakit ng ulo niya. Nananaginip ba siya? Saglit niyang sinampal ang sarili dahilan para mapaaray siya. She was not dreaming! It was real! She was in somebody else's place!

Suddenly, she looked at herself. "Oh, no fucking way..."

She was not even wearing her dress. Suot-suot niya ang isang oversize white T-shirt and her underware. Sinabunutan niya ang sarili.

"What happened to you, Jaquelin?" bulong niya.

Natatarantang hinanap niya ang kanyang gamit at damit pero malas lang dahil hindi niya ito makita. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon bago pa bumalik ang kung sinumang hayop na nakatira doon.

Hinagilap niya ang buong lugar pero hindi niya makita ang damit niya maging ang kanyang bag. Halos manigas si Jaquelin nang marinig ang pagbukas ng pinto. Marahil ay banyo iyon. Someone was there! Magtatago sana siya but it was too late.

She saw a half naked man na tanging towel lamang ang nakapulupot sa bewang. Tila pareho silang natigilan nang magtama ang tingin ng isa't isa. Hindi niya napigilan ang sarili na tingnan ito mula ulo hanggang paa. The guy has a six pack abs at kitang-kita niya ang pagtulo ng basa nitong buhok pababa sa katawan nito. Ilang beses siyang napalunok.

Please, Lord, tell me I'm just hallucinating!

Nangunot ang noo ito. Pero nang mapagtanto siguro nito ang hitsura ay agad itong umalis sa harap niya saka pumasok sa kuwartong pinanggalingan niya kanina. Naiwan naman siya doong nakatulala.

Jaja! Wake up!

"Tatayo ka na lang ba dyan?" Gulat siyang napatingin sa pinanggalingan ng boses. Nakasandal ito sa hamba ng pinto at nakahalukipkip. Nakasuot na ito ng puting sando at boxer shorts.

"W-who are you?! W-what did you do to me? Where's Patrick? Nasaan ang mga damit ko? Why am I wearing this?" turo niya sa suot.

"Woah, easy, babe. Relax."

"Easy? Relax? Did you think makakapag-relax ako knowing I woke up in somebody's bed and just wearing my underwear?!"

Nakita niya ang pagngisi nito. Naningkit naman ang mga mata niya when she realized the guy seems familiar to her. Oh! The guy in the party!

"You really didn't remember everything happened last night? Don't you know me? For real?" taas ang kilay na tanong nito.

Inirapan niya ito then she crossed her arms. "Sa tingin mo ba ay maghi-hysterical ako nang ganito kung kilala kita at kung alam ko ang nangyari kagabi? Why am I in your place? May ginawa ka ba sa akin!? And where is my dress?!"

Untitled Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon