Chapter 7

50 1 0
                                    

TULAD ng inaasahan niya ay pinutakte siya ng mga tanong ng kanyang mga katrabaho tungkol sa pagsundo ni Gavin sa kanya kahapon.

They were having their lunch in a fast food chain beside their building at gusto na niyang busalan ang bibig ni Rachel dahil sa lakas ng boses nito. Nakakaagaw tuloy ito ng atensiyon ng ibang taong nandoon.

"Rachel, could you please lower down your voice? Nakakahiya ka," irap niya.

"Eh, kasi naman, Ja, hindi lang talaga ako maka-get over sa nakita at nabalitaan ko, ano. Ang suwerte-suwerte mo! You were able to date him!" ani Rachel na tila mas kinikilig pa kaysa sa kanya.

"It's not a date. It's only a dinner."

"What's the difference? Niyaya ka pa rin niya. If only I can date him," dagdag pa nito.

Napatingin siya kay Rusty nang mapaubo ito. He is Rachel's boyfriend. Napailing na lang siya. Wala man lang pasintabi ang huli at talagang sa harap pa ng nobyo sinabi iyon.

"Oh my gosh, hon! Here, tubig, oh." Inabutan nito ang nobyo ng tubig.

"Stop dreaming you could date him, hon. Kahit CEO pa siya, baka masuntok ko iyon kapag nakita kong kasama mo siya," ani Rusty.

Rachel giggled. "Ikaw naman! Siyempre, joke lang iyon. Saka masama bang magka-crush? Crush lang naman, eh. Ikaw pa din naman ang love ko."

Gusto niyang umirap dahil sa narinig. At talagang sa harap pa niya naglandian ang dalawa.

"But, Ja, you should be careful," Rusty seriously said na ikinunot ng noo niya.

Tumango-tango naman si Rachel. "If I'm not mistaken, Gavin got engaged two years ago. What was her name again, hon?"

Tumingin ito sa nobyo pero ibinalik din ang tingin sa kanya.

"D-Divine Felise Johnson?"

Tumango ang nobyo nito.

Nagulat siya sa nalaman. She never thought that Gavin had a plan of getting married. Her first impression to him was... workaholic ito at seryoso sa buhay—that his priority was his career and his company.

"What happened to their engagement?" She was curious.

"Hmm... Obviously, hindi natuloy ang kasal. Divine called off the engagement. Kung ano ang reason, hindi na isinapubliko iyon. Ang bali-balita pa nga, hindi pa nakaka-move on si Gavin kay Divine. He never dated anyone."

She bites her lower lip and felt a sting in her chest.

"Not until he asked you. Ay, teka nga! Hindi ba uso ang TV at magazine sa bahay mo? You don't know anything about Gavin?"

Umiling siya. Eh, sa hindi naman niya talaga kilala si Gavin noon kahit lumalabas na ito sa TV o magazine. She has no interest in meeting people like Gavin. Kaya nga hindi siya pumayag na ligawan ni Jovan because she knew that once na pumasok siya sa magulong mundo ng mayayaman ay mawiwindang ang buhay niya. She preferred to stay as a normal citizen pero hindi yata siya makakawala because she was curious and eager to know who Gabriel Vince Rodriguez really is.

"Gosh, Ja! Pero... Advise lang din, ah. Kahit na bet na bet ko si Sir Gavin, still, guard yourself. We never know baka bumalik si Divine."

Tumaas ang kilay niya. "I told you. I am not interested. Sumama lang naman ako sa kanya for dinner because Jovan told me so."

"You will never be so sure, Jaja. Masyado nang cliche ang mga ganyang storya. Sige, ikaw rin..."

Rachel has a point. It is not easy to move on lalo na kung nasa puntong papakasalan mo na ang taong mahal mo pero hindi natuloy. It will take a long time bago magmahal uli. Malay niya ba na hinihintay nga nito ang dating nobya at umaasang madudugtungan pa ang pagmamahalan nila?

Untitled Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon