Balak ni Julian na na kausapin ng masinsinan si Mang Lucas. Gusto niya itong tanungin tungkol sa mga baga-bagay at mga kahiwagaang nagaganap sa Marguza. Malakas ang kutob niyang hindi pangkaraniwang tao ang lalaki. Na may itinatago itong lihim.
Si Samuel naman ay tumitiyempo kay Serena na noo’y nag-aayos ng kanilang makakain sa kusina. Naglakas-loob ang binata na tulungan ang dalaga sa mga gawain. Iyon na ang hudyat ni Julian para magkasarilinan sila ng misteryosong lalaki.
“ Mang Lucas, pasensiya na po kayo kung nilihim namin ni Maya ang aming pag-iibigan. Natatakot po kasi ako na baka tumutol kayo kapag nalaman ninyo ang totoo,” ani Julian.
“ Ano pa nga ba ang magagawa ko, iho! Nagmamahalan kayo ng anak ko! Hindi naman ako tutol sa iyo. Mabait ka naman at alam kong mahal mo ang anak ko,” nakangiting sambit ni Mang Lucas.
“ Salamat po kung gayun. Alam ko pong kakaiba kayo. Sapol sa pagkabata ko’t nagkaroon ng isip ay nahihiwagaan po ako sa inyo. Alam ko pong may kinalaman kayo sa UFO at may tinatagong sikreto sa lawa ng Adkayis,” tahasang usisa ng binata.
“ Papaano mo naman nasabi ‘yan, iho?” depensa ni Mang Lucas na namawis.
“ Huwag po kayong magkaila. Mga 13 taon na po ang nakararaan, nakita ko po ang UFO na nakita rin ng mga taga- Marguza sa dagat noong katatapos lang na kalamidad. Isinama ako ng aking tiyuhin noong si George sa pamamasyal sa gubat. Dala-dala ko ang mga gamit niya, camera, at pagkain sa back-pack. Sampung taong gulang lang po ako nun. Naabutan kami ng gabi sa gubat at nagpasya na lamang na magtayo ng tent malapit sa talon at nagsiga ng apoy.”
“ Nang makatulog ang aking tiyuhin ay lumabas ako ng tent para magpa-antok. Sa aking kamamasid noon sa contellations ay nakita ko ang isang flying saucer na umahon mula sa dagat at lumipad patungong lawa.”
“ Sinundan ko iyon at laking gulat ko po na kayo ang lumabas sa naturang behikulo. Hinding-hindi ko po iyon malilimutan. Sabihin nyo po sa akin, isa po ba kayong Annunaki na napadpad sa planetang ito?”
Natahimik si Mang Lucas. Totoo kasi ang tinuran ng binata. Namawis siyang malubha at di agad nakapagsalita. Pero, walang balak ang mama na sabihin sa binata ang sagot. Pero, lalo lamang bumibigat ang kanyang loob.
“ Kanino mo nalaman ang tungkol sa mga Annunaki? Naniniwala ka ba sa kanila?” tanong ng lalaki.
“ Mahilig po ako sa astronomy at nabasa ko ang tungkol sa mga Annunaki. Noong una ay hindi ako naniniwala. Pero, nang makita ko si Serena, si Pepit, at ang kaugnayan nyo sa UFO, kumbinsido akong umiiral sila. Taga-planetang Nibiru po ba kayo na nagkatawang tao?”
Sukol si Lucas. Kaya nagpasya siyang sabihin sa binata ang lahat-lahat. Ang katotohan.
“ Hindi ako mula sa planetang Nibiru, Julian. Ako ay nagmula sa planetang Eris na tahanan ng mga nagrebeldeng Annunaki sa Nibiru, mga 500,000 na ang nakalilipas. Sa Eris ako isinilang at nang sumapit sa hustong gulang ay ipinadala ng aking mga magulang sa planetang ito. May misyon ako sampu ng aking mga kawal. Mga 7,000 taon na ang nakalilipas, dumating kami rito lulan ng 7 flying saucer.”
“ Ang misyon namin ay magmina ng ginto sa mga kabundukan. May mga base kami sa planetang Luna na siya ninyong Buwan at doon dinideposito ang mga nakuhang tone-toneladang ginto. Nang dahil sa amin, nadiskubre ng tao ang kapakinabangan ng ginto. Ako ay nagbihis o nag-anyong- tao upang makisama sa mga aliping mga taga-lupa.”
“ Naging malapit ako sa mga tao. Samantalang ang aking kapatid na si Eribus ay malupit at alipin ang turing sa mga tao. Nag-away kaming magkapatid at kalauna’y napagkasunduang hatiin ang teritoryong pagmiminahan ng ginto. Napili ko ang silangan at kanya ang kanluran.”
BINABASA MO ANG
HERMANA SERPENTA
Mystery / ThrillerAng mundo ay punong-puno ng hiwaga na inilihim ng mga pagkakataon. Katulad ng mga lihim na itinatago ng bayan ng Marguza kung saan ay nakahimlay ang isang kamangha-manghang nilalang. Halimbawa na rito sina Serena na tinaguriang " Hermana Serpenta" d...