Dahil sa mas malakas ang puwersa ng Royal Soldiers ng lehitimong hukbong sandatahan ng Nibiru ay napilitang bumaba ang spaceship ng mga barbarong Annunaki. Sa lapag ng planetang Mars sila naglaban gamit ang makabagong sandatang pandigma. Gumamit ang kalaban ng solar canon at napalm. Ang ibang matatapang na barbaro ay tumuloy sa daigdig. Sumatotal iyong ng 20 flying saucers.
Sa bilis na 80 milya kada minuto ay mabilis na nakarating ang mga kalaban sa planetang mundo sa loob lamang ng 6 na oras. Sa Marguza ito lumapag. Nang mga sandaling iyon ay napuruhan si Pepit nang matamaan ng isang missile sa sungay niya habang hinuhukay ang pinagtataguang lungga ng ibang spaceship na kanyang tinutugis.
Nang makita naman nina Lucas at Julian ang mga nakalutang na flying saucers sa karagatan ng Marguza ay pinatamaan agad niya ito ng mga pasabog. May lumalabas na laser sa tila tambutsong nasa magkabila ng spaceship. Sabog agad ang apat sa dalawampung behikulo ng kalaban. Gumanti naman ng pasabog na atake ang kalaban anupa’t nayanig ang bundok at nasunog ang kagubatan.
Sinabihan ni Lucas ang anak na si Serena na gamitin ang kakaibang kakayahan na telekenesis at kayang magpalabas ng sonic waves at repulsion beam. Tumalima ang dalaga at pagdaka’y isinama ito ng ama sa bukas na bahagi ng spaceship at sinimulang gamitin ang kakayahan.
Gamit ang talas ng isip ay waring inutusan ng dalaga ang hangin para gawing sandatang parang tabak. Nabulabog ang mga nakalutang na spaceships ng mga kalaban sa dagat at nagbanggaan ito nang maabutan sonic waves. Ang iba ay nahati ang gilid at gitna dahil sa repulsion beam. Ang mga nagbabalak tumakas ay nilamukos ng malaking alon sa dagat na naging hugis kamao at inilubog sa dagat.
“ Anong meron ang babaeng iyon at nagagawa niya ang mga bagay na ito?” turan ng isang matandang mandirigma sa panig nina Oguneavis.
“ Hindi... isa siyang demi-god! May dugo siya ng imortal. Pero tao siya. Baka siya ang tinutukoy sa propesiya na “ HERMANA SERPENTA”. Ang pinakamalakas na babaeng,” turan ng isa na kinakabahan.
Maging si Serena ay di makapaniwala sa naipamalas na kakayahan. Tunay na hindi pangkaraniwan. Kung makakakagat siya ng taong kagalit ay tiyak ma mamamatay dahil sa kamandag sa kanyang laway. Pero, may kontrol siya para di mapalabas iyon. Gaya ng sinasabi noon ng kanyang itay, siya ay espesyal na nilalang. Kalahating imortal at kalahating mortal. Pero, kung siya ang papipiliin, gusto niyang mamuhay ng mortal.
Rumesbak ng atake ang mga nakalusot na kalaban sa pamamagitan ng pagpapatama sa spaceship ni Urudok. Mga pitong spaceships na lang ng rumespondeng kalaban ang umaatake sa kanila bukod pa sa loob ng bundok ng Feressa.
Natamaan ang Urudok spaceship na kinalulunanan nina Serena anupa’t sumabog ang tagiliran nito sa gawing kaliwa. Gumiwang-giwang ito sa ere at sumadsad na bumabagsak sa masukal na gubat. Nais pa sanang kontrolin ni Mang Lucas ang sasakyan pero nagloko na. Isa pa, pinatamaan uli sila ng kalaban at sa muling pagsabog ay tumilapon si Julian sa naturang behikulo.
“ Iligtas mo siya, Serena. Iligtas mo si Julian,” utos ni Mang Lucas sa anak.
Batid ni Serena na may kakayahan siyang lumutang sa ere mula nang makakain siya ng espesyal na prutas. Ginawa niyang parang surf board ang hangin at hinabol ang bumubulusok na binata. Subalit, na-istorbo ang kanyang paghahabol sa binata nang matamaan ng debris nang sumabog na Urudok Spaceship. Si Mang Lucas naman ay nakaligtas sa pamamagitan ng pagsakay sa isang maliit na jet plane at pinalapag ito sa lupa.
Bumagsak si Julian sa mabatong bahagi ng bundok na nasa siping ng gubat. Nawalan ito ng malay. Habol-habol naman siya ni Serena at nang maabuta’y humagulhol ang dalaga.
BINABASA MO ANG
HERMANA SERPENTA
Mystery / ThrillerAng mundo ay punong-puno ng hiwaga na inilihim ng mga pagkakataon. Katulad ng mga lihim na itinatago ng bayan ng Marguza kung saan ay nakahimlay ang isang kamangha-manghang nilalang. Halimbawa na rito sina Serena na tinaguriang " Hermana Serpenta" d...