Matuling lumipas ang mga araw ay minabuti nina Mang Lucas sampu ng kanyang mag-anak na manirahan sa bahay ni Julian sa tuktok ng burol. Sa gayun ay makaiwas sina Serena at Pepit sa pag-aaglahi’t pang-aalipusta ng mga taga- kapatagan. Para di na rin katakutan ang dambuhalang python.
Si Pepit ay namamalagi sa isang malalim na hukay na may lalim na 75 talampakan. May bubungan iyon. Si Serena naman ay masaya na dahil kapiling na niya ang kanyang mga magulang at ang kapatid na si Maya. Nililigawan siya ni Samuel. At sa loob ng apat na buwang panliligaw ng binata ay sinagot siya ng kakatwang babae.
Si Julian naman nang mga panahong iyon ay nanguna sa isang proyekto na Tree Planting upang punan ang mga puno sa kabundukan at kagubatan na pinutol ng mga illegal na nagtrotroso. Ngunit, hindi niya pinaki-alaman ang dakong Adkayis dahil tiyak na matutuklasan ang mga nakatagong lihim doon. Isa pa, mapuno ang kabundukan at kagubatan sa dakong iyon kaya doon itinago ang spaceship at pyramid na isang behikulo ni Mang Lucas.
Hanggang isang gabi, nagulat ang karamihan sa pagiging kulay dugo ng panggabing himpapawirin. Malamig ang simoy ng hangit ngunit nakakapaso. Kakatwa iyon sa buong bayan ng Marguza. Kabilugan din ng buwan nang oras na iyon. Mula sa tuktok ng burol ay tanaw nina Julian at Mang Lucas ang malalaking alon na tila humahampas sa dalampasigan.
At ang nakakagulat, tumambad sa kanila ang pitong spaceships na lumapag sa tuktok ng bundok ng Feressa na may taas na 7,800 talampakan. Nakakasilaw ang liwanag na nagmumula roon na tumatama sa ibang bundok at sa kapatagan. Kinabahan si Lucas nang makita ang tagpong iyon.
“ Mahabaging langit! Nandito sila... nandito sila. Maghahatid ng kaabahan!” ani Mang Lucas na nanlilisik ang mga mata.
Nang mga sandaling iyon ay nagwawala si Pepit. Para siyang napapaso sa liwanag na nagmumula sa mga flying saucer. Namalaging nakalapag ang mga iyon sa tuktok ng bundok. At pagkalipas ng isang oras ay yumanig ang buong Marguza. Nataranta at nagpanic ang mga tao dahil sa lindol.
“ Lumilindol dahil hinahalukay ng mga sasakyang iyon galing ng planetang Nibiru ang kailaliman ng lupa. Kumukuha sila ng ginto at mga diyamante. At para lubusang makuha ang lahat ng iyon ay nagtanim sila ng bomba sa ilalim ng lupa at pinasabog. Yun ang dahilan kung kaya lumindol,” pahayag ni Mang Lucas.
Lalo pang nagkagulo ang mga tao nang gabing iyon nang makitang pumutok ang matagal nang nananahimik na bulkang Gabana. Mabilis na rumagasa ang mga lava’t magma nito patungo sa mga kabahayan at mga pananim. Animo’y nilagay sa hurno ang kapatagan ng Marguza nang madaanan niyaon.
Naglitawan ang mga kagila-gilalas na bagay sa Marguza habang nagaganap ang mga sakuna sa bayan. Nagsilitawan ang laksa-laksang mga balang galing sa timugan at lumipad papuntang bundok. Nagkaroon din ng ipu-ipo.
Sa kinaroroonan nina Serena ay nabitak ang lupa at lumitaw ang isang umbok ng lupa na hugis tatsulok. May mga tanim itong mansanas at ubas.
“ Anong ibig sabihin po nito, itay?” nagtatakang tanong ng dalaga habang nag-aalalang nakamasid sa kapatagan.
“ Hindi pangkaraniwan ang mga bunga ng punong iyan. Iba sa karaniwang ubas at mansanas. Iyan ang lunas sa mga karamdaman. Tinanim ko iyan rito mga 30 taon na ang nakararaan. Ibayong oksihena ang nilalabas ng mga puno nila na 200 beses ang doble sa karaniwang inilalabas na oksihena ng isang puno,” sagot ni Mang Lucas.
Ilang sandali pa ay may lumitaw na ipo-ipong na naglalabas ng kulay pulang usok sa hangin. Anupa’t di makahinga ang mga tao. Marami ang nasawi nang malanghap ang nakalalasong usok na iyon.
Nagpaalam si Mang Lucas sa kanyang pamilya na na ninirahan sa isang magarang bahay sa tuktok ng burol na pag-aari ni Julian. Sinabi ng lalaki na hindi mapapahamak sina Serena at si Pepit. Ngunit, maaaring mapahamak sina Maya at Aling Doris kapag nalanghap ang usok. Kung kaya tinagubilinan niya na pakainin ng bunga ng puno. Gayundin sina Julian at Lucas.
BINABASA MO ANG
HERMANA SERPENTA
Mystery / ThrillerAng mundo ay punong-puno ng hiwaga na inilihim ng mga pagkakataon. Katulad ng mga lihim na itinatago ng bayan ng Marguza kung saan ay nakahimlay ang isang kamangha-manghang nilalang. Halimbawa na rito sina Serena na tinaguriang " Hermana Serpenta" d...