Kabanata 4 Ang Sakuna at ang mga Misteryo

586 10 0
                                    

Kabanata 4

Pero, tila huli na ang lahat para gawin iyon ng lalaki. Papano kasi’y umagos na pababa ang tubig sa kapatagan at hindi na kaya pang mahigop ng naturang butas. Nabahala si Mang Lucas.

May pinindot siyang button na dilaw sa aparato na kung saan lumabas sa monitor ang paligid sa kapatagan. Nakita niya ang tubig na rumaragasa pababa sa mga kabahayan sa kapatagan at papalapit na sa kanilang bahay. Muli, may pinindot siyang isa na namang button. Biglang lumabas ang tila kristal na bula sa paligid ng kapatagan na humaharang sa baha.

At habang gayun pa nga ang nangyari ay lalong lumakas ang lindol. Hindi na pangkaraniwan. Ang nananahimik na dagat ng Marguza ay nagsimula nang bumangis. Biglang nawala ang tubig sa dalampasigan at pagkatapos ng ilang minuto’y pagkalaki-laking alon ang bumulaga pahampas sa aplaya patungong kapatagan. Sinalanta ang Marguza ng tsunami.

Habang gayun ang nagaganap ay nakawala naman si Pepit at natatangay  na ng baha pababa sa kapatagan. Kinokontra ng paglangoy niya ang agos. Si Serena naman ay natatangay ng agos pero hindi nalulunod. Nakakahinga kasi siya sa tubig. Nasilayan siya ni Pepit at inangkas sa gawing ulunan nito.

“ Pepit, puntahan natin sina inang at Maya, baka natangay na sila ng baha,” utos ng dalaga sa kakambal na sawa. Tumalima si Pepit. Animo’y para itong missile na rumagasa na nagpatangay sa baha.

Nang mapadako sila sa kanilang bahay kubo ay nagtataka silang may nakaharang na tila kristal na moog o pader na nagtatakip doon at sa ilan pang kabahayan. Ligtas sina Maya at Aling Doris. Patuloy ang pag-uga ng lupa anupa’t bumulwak ang bukal sa ilalim ng lansta ng dagat. Lalong tumaas ang tubig-dagat at nilamon na nito ang aplaya at 400 metrong kalupaan na malapit sa kapitolyo ng bayan.

“ Ito na lang ang tanging paraan para mapigil ang paglaki ng tubig,” si Mang Lucas na may pinindot na namang dalawang kuwadradong button sa loob ng kakatwang behikulo na nakalagak sa ilalim ng lawa.

Ang nangyari, lumitaw ang isang metal na sasakyan o flying saucer sa bangin sa ilalim ng dagat. Umangat ito sa dagat at lumipad. Lumilipad ito kasunod ng rumaragasang baha na sumasalanta sa kapatagan. Mula roon ay may lumabas na isang pabilog na aparato mula sa paikot ng narurang metal na sasakyan na kumikislap.

May lumabas na isang gas roon na kulay bughaw na ipinatama sa baha. Ang ikinagulat ng lahat, naging yelo ang baha at nagmistulang glaciers ang mga paparating pang alon mula sa dagat na mananalasa sana sa bayan.

Gulat na gulat at manghang-mangha si Julian sa nakita habang nakatanaw sa taluktok ng isang bundok sa gawing itaas ng kagubatan. Nasaksihan nila iyon  ni Samuel. Kasama nila roon ang mga dambuhalang hayop na nakatigil lamang.

“ Anong kababalaghan ito? Totoo ba ito o guni-guni lang,” si Samuel na napa-bulalas sa nasaksihan.

“  Totoo ‘yan. Samuel. Ang lahat ng nasaksihan  mo ngayon ay hindi isang panaginip. Kundi, isang pangyayaring mahirap arukin,” sambit ni Julian na bakas sa mukha ang galak.

“  Bakit tila nasisiyahan ka pa sa mga nangyayari? Kita mo na ngang nasalanta ng kakatwang kalamidad ang bayan!”

“ Hindi mo pa  nga alam ang katotohanan, Samuel! Alam mo kung bakit? Dahil maraming katanungan sa aking isipan ang nabigyan na ng kasagutan. Na ang Marguza ay isang espesyal na dako. Dako ng mga lihim na katotohanan sa ating mundo at maging sa sansinukob.”

“ Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang usisa ni Samuel sa kaibigan.

“ Ang Marguza o ang bayang ito na sinasabing mayaman sa ginto ay hindi isang alamat lamang. Noon, tinuturing ang Marguza ay kaban ng ginto sa silanganan dahil sa  masaganang produksiyon ng  butil  ng palay, ilang pananim, at likas na yaman. Pero, ngayon, napatunayan kong totoo pala,” nasisiyahang sambi ni Julian.

HERMANA SERPENTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon