W A R N I N G: Bakit may mga missing parts? Because I'm still revising this story. Kaya kung ayaw niyong mayamot, you better skip the Leone Academy and the rest of my stories. Dahil baka hindi niyo rin maintindihan. -Ezraseven
Chapter 3
Xaris Isaiah Angeles
Medyo late na kaming nagising dahil na rin siguro sa puyat at pagod kahapon. At dahil na rin sa taong kanina pa kumakatok sa pinto ng room namin kaya kami nagising pare-pareho.
"Sino ba 'yan! Hindi ba pwedeng mamaya ka na lang kumatok o kaya next year na lang?!" Inis na inis na bumangon si Raine.
Kinusot ko ang mga mata ko at tinignan ang wrist watch ko. Nakalimutan ko pang tanggalin ang relo ko kagabi sa pagod. It's already ten thirty five in the morning.
Si Raine na rin ang nagbukas ng pinto.
"Wow! Bakit hindi mo agad sinabi? Salamat sa pagkain! Next time mas maaga ka pang kumatok ah? Okay. Bye! God bless your soul!" Sinong kausap ng babaeng 'yon?
Bumangon na rin ako at nagpunta sa may pinto. Umalis na ang kausap niya at may itinutulak na siyang isang tray ng set of breakfast.
"Akalain mo 'yun? Courtesy of the chef daw sa 'tin 'to kaya special."
"Uh-huh." Xheen fixes her eyeglasses.
"Uh-huh ka diyan. Kainan naaaaa!"
"Mag-gurgle ka muna kaya para hindi masagwang tignan."
"Uhh... May traces ka pa ng saliva oh." Turo ko sa gilid ng bibig ni Raine.
"Ihh. Ayoko nga. Baka samahan pa akong mag-toothbrush nung mumu kagabi." Naalala ko ang Patrick Malffoy na iyon. He must be something...
I erased that thought. Ayaw ko rin munang magbanyo, naduduwag ako na baka magpakita bigla sa 'kin iyon. Ayaw ko pang mamatay. Hell! I'm scared of ghosts. Saka sino bang hindi? Ililibing ko ng buhay.
Sabay-sabay na kaming kumain. Medyo bitin nga lang dahil kumbaga sa free food, free taste lang ang inihain sa 'min.
"Dapat fried rice na lang e." Sabi ko pagkatapos kumain.
"And with Daing. Namimiss ko na ang luto ni Grandma." Tama si Xheen. Nakakamiss ang luto ni Grandma.
"Fried rice? Daing? Napaka-poor niyo ha." Pinaikot pa niya ang mga mata niya.
Binatukan ko nga. "Kapag naging okay na tayo dito magluluto ako ng fried rice at Daing. Hindi ka kakain!" Pinanlakihan ko pa ng mata si Raine.
"Sure, my friend. Huh! Expert na yata 'to." Fine-flex pa niya ang maskels niya kuno. Loka-loka, sarap sabunutan. "Best friend ko na si Kitchenomics with a little help of Simsimi. Sabi sa 'kin ng bubwit na 'yun masarap daw ang arrozcaldo. Pang-sosyal daw 'yun. And I wonder kung ano 'yun? Sosyal pakinggan e. Tanungin ko kaya si Pareng Google?"
Gusto kong matawa. Si Xheen naman inaayos na ang gamit namin at hindi na pinansin si Raine. More or less seventy minutes na lang pala at paaalisin na kami dito.
"Mamaya mo na tanungin si Pareng Google mo, maligo ka na. O kaya sabay tayo?" Medyo napalunok pa ako sa suhestyon ko. Ayaw ko munang maligong mag-isa! Ayyy, basta!
BINABASA MO ANG
LEONE ACADEMY [COMPLETED] *Under-construction*
Teen FictionThis is not a normal school. This isn't how you think of it. Kung akala mo ligtas ka na, nagkakamali ka. Kaya mo bang magpatuloy sa loob ng akademya? Kaya mo bang pigilan ang iyong nararamdaman? Dahil kung ano ang nakatakda sa iyo sa loob, wala ka n...