Chapter 18

3.4K 78 0
                                    

W A R N I N G: Bakit may mga missing parts? Because I'm still editing this story. Kaya kung ayaw niyong mayamot, you better skip the Leone Academy and the rest of my stories. Dahil baka hindi niyo rin maintindihan. -Ezraseven

Chapter 18

Irvine's POV

Three days na akong hindi kinikibo ni Xaris. Three hell days damn! Sa loob ng three days nagkikita naman kami pero kasama parin ang barkada. Nagkakausap pero sila lang ang kinakausap nya. Sa tuwing practice game nila nandun ako pero ni hindi man lang nya ako tinitignan. Kapag practice naman namin sya lang ang wala.

Dahil parin ba dun? Aiiissh. Baka iniisip nyang tinetake advantage ko sya------hindi nga ba? May consent naman diba?

Aiiisshh. I can't help myself. Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko ‘yon not because naka-score ako or what. But because there’s a hint that maybe she can love me.. Not now, but maybe anytime soon.

"Pinsan." si Terence

"Let's go. Mag-istart na ang event baka malate pa tayo."

"Okay." Tumayo na ako.

Sa basketball si Terence, si Priam naman sa Chess. Kaming apat nina Paris, Yuan and Van naman sa Tennis.

Sa first sched. ang Tennis kaya maaga kami. Sa isang open-court ng Campus, dun kami dumiretso.

***

"Si Van?" tanong ko. Wala pa kasi sya.

"Nakalimutan mo na ba? Araw ngayon ni Yuri." sagot ni Yuan

Oo nga pala. "Is he okay?"

"He will be. Hayaan muna natin sya. Sa second game na lang sya maglalaro." Paris.

Napatango na lang ako.

Ako at si Yuan sa first game.

Si Paris at Van naman sa second game.

Bukas pa lang ang second game kaya okay lang na umabsent ngayon si Van.

"Yung racket ko?"

Iniabot na sakin ni Paris.

Malapit nang mag-start pero wala pa rin yung taong gusto kong makita.

"Don't worry pupunta sila." sabay tap ni Yuan sa balikat ko.

"There they are." sabay turo nya sa mga bagong dating na papaupo sa mga bakanteng upuan.

Nakita ko na hinihila pa sya ni Lorraine. Kahit mukhang napilitan lang sya pwede na basta nandito sya.

"Nagboost-up na ba yang confidence mo?" sabay ngisi ni Paris.

Napa-iling sabay natatawa na lang ako sa kanila.

***

Xaris's POV

Hinayupak. Pwede namang hindi ako sumama pero hinila-hila pa nila ako.

"Friend kailangan mo ng plantsa? Lukot na yang mukha mo oh!"

Tinignan ko lang ng masama si Raine. Ano na lang ang iisipin ni Irvine kapag nakita nya ako? Aaissh! Baka kinikilig na yun!

Puro sigawan at tilian ang naririnig ko. Kaming apat lang nina Xheen, Dea at Wel ang hindi sumisigaw.

Himala tahimik ngayon si Wel.

"Sinong hinahanap mo?" tanong ko kay Wel. Katabi ko lang kasi sya.

Kanina pa kasi sya naglililikot sa upuan nya na parang may hinahanap sya.

LEONE ACADEMY [COMPLETED] *Under-construction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon