Yung nilunod mo siya ng pagmamahal mo,
pero siya, nilunod ka lang sa luha mo.Napakasakit isipin na may mga tao na nagiging makasarili pagdating sa pag ibig. Ngunit karamihan naman ay nagiging tanga sa larangan ng pag ibig, 'yun bang nakatagpo na sila ng tao na tunay na nagmamahal sa kanila, isang tao na handang ibigay lahat ng pag aalaga at pagmamahal meron sila, pero sa huli, inuuna ang kapusukan at init ng katawan at piliin na saktan ang mga taong sa kanila ay tunay na nagmamahal dahil lang sa panandaliang kaligayahan.
Magagawa mo ang bagay na 'yon dahil lang sa kapritsuhan ng katawan mo? Na kahit alam mong sobrang mahal ka ng tao, gagawa ka ng isang pagkakamali dahil nasa isip mo na hindi niya malalaman ang kagagvhan na gagawin mo, Pwes, para sabihin ko sayo, isa ka sa mga walang kwentang tao na matapos ka niyang lunurin sa umaapaw na pagmamahal at pag aalaga niya e lulunurin mo lang siya sa mga luha n'ya dahil sa pananakit mo sa kanya pagkat hindi mo matiis ang iyong kalandian.
Kaya payo lang, bago ka gumawa ng kabulastugan, isipin mo muna ang kahihinatnan, dahil maligayahan at sumaya ka man, maatim mong may isang buhay na mawawasak at may puso na masasaktan.
![](https://img.wattpad.com/cover/75954822-288-k559939.jpg)
BINABASA MO ANG
HUGOT NG MGA SAWI
Randommga hugot ng mga Taong nasaktan at ng mga iniwanan.. Mga ipinagpalit sa iba pero patuloy parin na umaasa.. Isa lang ang masasabi ko.. WALA TALAGANG POREBER!!!!