HUGOT ng SAWI 14

1.4K 28 1
                                    

Kung TANGA ako dahil minahal kita ng sobra kahit nasa point na masakit na,Mas TANGA ka kasi sa kabila ng pagmamahal ko sayo ng sobra,nagawa mo paring maghanap ng iba.

Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagmamahal na inuukol mo sa kanya, nagawa ka pa niyang ipagpalit sa iba, nakakatawa hindi ba? 'yun bang ginawa mo siyang mundo mo, pero siya ibang tao ang ginagawa niyang mundo, habang ikaw nag aalala kung bakit hindi siya nagrereply sa mga txt and chat mo, habang siya, nagpapaka saya pala sa mahal niyang bago.

Mapapatanong ka sa sarili mo, saan ka nagkulang? Bakit siya naghanap ng iba, ando'n 'yung insecurities na hindi kasi ako kasing ganda ng iba, hindi ideal person, hindi pwedeng pang my day, hindi pwedeng i flex.

Nakakalungkot na sa panahon ngayon, itsura na lang ang basehan sa tunay na pagmamahal, laging may kumpetisyon sa itsura at pangangatawan. Sa physical appearance na lang ba talaga pagbabasehan? Isipin mo na kapag pangit ka wala kang karapatang magmahal, kapag pangit ka, hindi ka dapat seryosohin. "NAKAKAPVTANGINA" hindi ba?  kapag maganda/gwapo pantasya at panghihinayangan,kapag wala kang looks, kahit busilak ang 'yong puso hindi pa din 'yon ang mahalaga.Nakapa sakit lang talaga isipin na nabubuhay tayo dito sa mundong ating ginagalawan na  kung saan kapag pangit ka "TALO KA."

HUGOT NG MGA SAWI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon