HUGOT ng SAWI 13

1.4K 17 0
                                    


Yung magkasama nga kayong dalawa,pero puso't isip naman niya nasa iba.

Kapag dumating man ang araw na sumuko ka na, humingi ka na lang ng tawad sa kanya, dahil hindi mo na matutupad ang pangako mo sa kanya na hindi mo siya iiwan..

Sumuko ka lang naman hindi dahil sa hindi mo siya mahal, sumuko ka dahil pagod ka na sa iyong nararamdaman. 'Yun bang ikaw ang kasama n'ya, pero yung attention at isip n'ya okupado ng iba. 'Yung Oo, magkasama nga kayong dalawa, pero hindi ikaw ang gusto niyang kasama at nakikita mong hindi na siya masaya na kasama ka.

Huwag kang panghinaan ng loob dahil lang sa isinuko mo na siya, hindi naman kasi totally na siya ang isinuko mo eh, isinuko mo lang naman ang mga bagay na nakakapagpasakit sa'yo at mas pinili mo lang na pahalagahan ang sarili at damdamin mo.

HUGOT NG MGA SAWI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon