Kapag nagmahal ka, piliin mo 'yong taong mahal ka at tanggap ka kahit ano at sino ka pa, hindi 'yong tao na mahal mo lang dahil sa itsura at dahil lang sa popular siya.
Masakit isipin na sa panahon ngayon, pisikal na anyo ang basehan ng pagmamahal sa isa't isa, maraming relasyon ang nasira dahil lang sa kapag nakakita ng mas maganda/gwapo, iiwan ang matino at taong nagmamahal sa kanila dahil ang nasa isip nila, maari pang makabuo ng mga ala ala sa bagong mamahalin nila.
ISANG NAKAPA LAKI'NG MALI , dapat kapag nagmahal ka, alam mo ang consequences nito, pinili mo siyang mahalin diba? Pinili mo siyang maging parte ng buhay mo, tapos kapag nakakita ka ng mas higit sa kanya eh iiwan mo na lang bigla? Huwag gano'n.
Hindi totoo na kaya nabaling ang pagmamahal sa iba dahil mas nagkulang ang isa or may mas higit ka na nakilala kaysa sa kanya. Ang totoo? Wala nang mas hihigit sa taong kanyang minamahal kung alam ang salitang kontento."Mas mabait 'yong bago? Mas maganda/gwapo? Mas maalaga? Mas mayaman? Mas may dating?" KALOKOHAN.
Wala lahat ng 'yan kapag alam mong pahalagahan ang damdamin ng iba at alam mo ang salitang importansya. Sa una pa lang bago mo siya minahal, ganyan na ang ugali niya, ganyan ang lahat sa kanya, tinanggap mo 'yon hindi ba? Kaya huwag mong sabihin na mas higit siya kaysa sa nauna. Huwag mong gawing hangal ang sarili mo para lang makuha ang gusto mo para lang makapanakit ng tao.
Hindi ka makakahanap ng tunay na kaligayahan mo kapag alam mo sa sarili mo na nakapanakit at nakasira ng buhay ng tao, kaya bago pa mahuli ang lahat, baguhin mo na ang paniniwala mo.
Baka bandang huli, magsisi ka sa mga landas na pinipili mo at baka ang karma ang gumanti sayo.
BINABASA MO ANG
HUGOT NG MGA SAWI
عشوائيmga hugot ng mga Taong nasaktan at ng mga iniwanan.. Mga ipinagpalit sa iba pero patuloy parin na umaasa.. Isa lang ang masasabi ko.. WALA TALAGANG POREBER!!!!