HUGOT ng SAWI 09

1.7K 23 0
                                    


Ilang pukpok pa ba ng martilyo ang kelangan mo para matauhan  ka't malaman mong hindi ka niya mahal at hindi siya kawalan sayo.

Hanggang kailan mo ikukulong ang sarili mo sa pagmamahal sa kanya kahit alam mong talo ka na? Hindi ka ba napapagod na umasa at manlimos nang pag ibig sa kanya?  Ilang beses mo bang ulit ulitin sa sarili mo na hindi ka niya mahal para mag manhid ka? Hindi siya kawalan sayo, hindi ang kagaya niya ang bagay at deserve sa pagmamahal mo, huwag mong ipilit ang isang bagay na wala na talagang pag asa. Matutong sumuko kahit masakit, matutong harapin ang kabiguan at dapat maging handang masaktan. Sa una lang naman masakit eh, sa una lang mahirap, pero kapag natuto kang bitawan ang lahat at tanggapin ang katotohanan, unti unti mapagtatanto mo sa sarili mo na hindi talaga siya karapat dapat.

ISUKO NA ANG DAPAT ISUKO, hindi siya kawalan sayo, Infact, siya ang may malaking kawalan dahil hindi niya pinahalagahan ang kagaya mo, isang kagaya mo na busilak ang puso na handang magmahal ng totoo at handang isakripisyo lahat para lang sa pagmamahal. Kaya tama na ang pagpapasakit sa sarili mo, mahalaga ka, deserved mo ang sumaya :)

HUGOT NG MGA SAWI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon