HUGOT ng SAWI 15

1.2K 15 1
                                    

Hindi ba kaya natin pinipiling magmahal upang maranasan natin kung paano ang sumaya? Kung paano tayo pahalagahan at maranasan ang tunay na pagmamahal. Pero bakit madalas palagi pa din tayong nasasaktan? Wala naman tayong ibang ginawa kung hindi ang magmahal lang hindi ba? Bakit ba? Ganito kasi yon..

Kasi kaya tayo nasasaktan dahil hindi tayo nagfofocus sa mga bagay na nagpapasaya sa atin,nag iisip din kasi tayo ng mga bagay na nakaka sakit sa atin.  Oo,sasabihin nga natin na minamahal natin 'yong tao, pero hanggang mahal lang ba? Minsan sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao, hindi natin alam na nasasaktan din at nasasakal natin sila, bakit? Dahil takot ka na mawala at maagaw siya ng iba? Kapag hindi mo siya kasama iisipin mo, baka may makahanap ng iba.  Huwag kasi dapat gano'n kapag kasi nagmahal ka,maging balanse dapat,huwag puro sarili ang isipin,matutong mag give and take at higit sa lahat, maging mapang unawa at magkaroon ng tiwala. Makikita mo,kapag pinagkatiwalaan mo ang taong mahal mo, at hindi ka nag iisip ng negatibo sa relasyon n'yo,asahan mo, hindi mo mararamdaman ang sakit bagkus titibay at tatagal pa ang relasyon ninyo.

HUGOT NG MGA SAWI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon