Minsan,mapapayakap ka na lang sa sarili mo dahil sa sobrang bigat ng dinadala mo, 'yun bang sobrang sakit ng dibdib mo at wala kang mapaglalabasan ng sama ng loob mo, wala ka na lang magawa kun'di ang umiyak mag isa at yakapin ang unan sabay agos ng mga luha.MASAKIT BA? MABIGAT SA DIBDIB? Okay lang yan, iiyak mo lang lahat 'yan.
Wala din namang makakatulong sayo kung hindi ang sarili mo din.
'Yung mga tao na nasa paligid mo? Oo pwede mo silang mapagsabihan ng mararamdaman mo, pero hindi ka lang sigurado kung pagtalikod mo, puro judgement ang sasabihin sayo, kaya mas mainam na iiyak na lang lahat ng sakit para gumaan ang pakiramdaman mo,
Sabi nga nila there's a rainbow after the rain, kaya matutong magpahinga, matutong sumuko at matutong tanggapin ang mga sakit, hindi 'yon tanda ng pagkatalo o sign na mahina ka, bagkus, 'yon ang mga hakbang para tumatag ka at maging matalino ka, mga bagay na ang akala nang iba ay gawain ng mga mahihina, pero hindi nila alam, ang pag iyak mag isa at ang paglaban mag isa ay isa sa mga pinaka matatag na tao. Cry and let the tears fall,by some day, those tears will be your weapon to face all those struggles in your life, and those tears will be your success! FIGHT LANG!
BINABASA MO ANG
HUGOT NG MGA SAWI
Randommga hugot ng mga Taong nasaktan at ng mga iniwanan.. Mga ipinagpalit sa iba pero patuloy parin na umaasa.. Isa lang ang masasabi ko.. WALA TALAGANG POREBER!!!!