Chapter 21. (Who to Choose?)

405 11 2
                                    


"Bakit hindi mo pinakinggan kung ano man ang paliwanag niya?", tanong ni Winx kay Cheszka.


Noong nakaraang araw lang ito nakauwi.


Nag buntong hininga siya. Sa byahe nila pabalik ng manila hindi na sila masyadong nag-uusap pa ni Red. Pagkatapos nang gabing 'yun. 'Yung gabing kung saan na naungkat ang nakaraan. Nag-uusap lang sila kung tatanungin siya nito ay sasagot siya, at pagtinanong naman niya ito sasagot naman ito. Hindi na sila nag-uusap pa tungkol sa kanilang dalawa. Mabuti na nga 'yun.


"Hindi pa ako handa", tanging sagot niya sa kaibigan.


Tinaasan naman siya ng kilay nang kaibigan, "Eh kaylan ka magiging handa?".


"I don't know", sagot niya dito at humiga sa kama.


"Chessy, paano mo malalaman kung ano ang dahilan nito kung hindi mo man lang siya hinayaang magpaliwanag?", tanong ng kaibigan sa kanya.


Mahina niyang sinabunutan ang sariling buhok, "Eh kasi...".


"Natatakot kang masaktan?", biglang tanong nito sa kanya.


Inirapan niya ito, "Nasaktan na po ako, hindi ba halata?", sarkastikong saad niya sa kaibigan.


Inirapan din siya nito. "What I mean is..Natatakot ka kung ano man ang malalaman mo. Natatakot kang masaktan muli kung ano man ang dahilan nito".


Bumangon siya mula sa pagkakahiga. "Ayoko nang makinig pa sa mga paliwanag niya".


Umiling si Winx, "Chessy, kailangan masaktan tayo upang matuto tayo sa buhay. Malay mo ang paliwanag nito ang dahilan upang mahanap mo ang kaginhawaan at kasagutan sa mga tanong mo".


"Paano naman kung, mas masasaktan ako sa paliwanag nito?", mahinang tanong niya dito.


"There is nothing wrong to be hurt. Tao tayo, nagkakamali. At ang masaktan ay part in growing up", nakangiting advice nang kaibigan niya. Si Winx ang kanyang dakilang adviser sa buhay. Kaya thankful siya dito, dahil laging nasa tabi niya ito sa bawat laban niya sa buhay.


"Kung hindi kapa prepared para makinig sa paliwanag nito ay okay lang. Ang panget naman kasi na pinipilit mo lang ang sarili mo para makinig dito. But remember, you should be ready", saad nito sa kanya at humiga sa kama.


Bumuntong hininga siya, "I know. And I feel malapit na akong maging handa. But not now, not tomorrow".


"Just don't bear a grudge. In God's time he will let you wiped that pain you been suffered for so long".


Tama si Winx. Kailangan niyang magpatawad at makinig sa mga ito upang maging malaya na siya sa sakit. Maging malaya.


"Sigurado kang ikaw nalang mag-isa?", tanong niya kay Winx. Pupunta kasi ito sa mall ngayon. Sinabihan siya nito na h'wag nalang sumama dahil alam nitong marami pa siyang dapat gawin at kailangan niya pang mag-isip. Kahit gusto niya itong samahan ay tumanggi ito. Matigas ang ulo niya, oo pero mas matigas ang ulo nito kaya sa huli sumuko nalang din siya.

The Bad girl RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon