Chapter 20. (Last Day with Ex)

361 13 9
                                    


PS: Walang Jerk muna ha....Pahinga daw siya.

Warning: Puno ng Drama ang Chapter na ito.

Salamat sa mga nagbabasa at sa magbabasa..


GL

------------------------------------------------------------------------

Maaga palang ay nagpunta na sila sa site kung saan ipapagawa ang bagong airport sa lugar na ito. Hindi naman sila gaanong nag-uusap ni Red. Pagtinanong niya ito, sasagot ito. At pagtinanong siya nito, sasagot din siya. At puro tungkol lang sa airport ang kanilang pinag-uusapan. Mabuti na nga 'yun para hindi na sila magkasakitan pa.


Last day na nila sa lugar na ito. May parte sa kanya na ayaw pa niyang umuwi, not because kasama niya si Red, well sabihin na nating slight lang. Dahil din kasi sa lugar, maganda kasi ang lugar na ito. Napakapayapa, parang pagnagpunta ka dito malilimutan mo lahat ng problema at dinaramdam mo. This place can give you peace and love.


Pagkatapos nilang maglibot-libot sa lugar ng apat na oras nagpasya sila na bumalik na sa resort upang kumain. Nagugutom na kasi siya. Good thing at puro sea foods ang mga inihahain ng mini kainan sa resort. She wants to eat talaba, greenshells, crabs and shrimp!. Hindi naman siya gutom sa lagay na 'yan.


"Anong gusto mong kainin Apples?", tanong ni Red sa kanya habang tumitingin ito sa mga nakahaing pagkain.


"Ahm, I want crabs, talaba, greenshells and shrimps", sagot niya dito habang tinitignan ang mga pagkain.


Gulat na tumingin sa kanya si Red, "Hindi ka naman gutom sa lagay na 'yan?", natatawang tanong nito sa kanya.



Sumimangot siya, "Eh bakit ba?Eh sa gusto kong kainin ang mga 'yan eh!", inis na sagot niya dito.



Napangiti ito sa kanya, "You never changed, matakaw ka parin. Mula noon hanggang ngayon".


Tinignan niya ito, "May nagbago na sa akin", mahiwagang saad niya dito.


Kumunot-naman ang noo nito, "Ano naman iyon?".



Nagkibit-balikat siya, "Ang puso ko", mahinang bulong niya.


"Bakit alam mo pala ang talaba?", biglang tanong nito sa kanya.


"Winx introduce me to that food. It's oyster right?", tanong niya dito.


Tumango ito, "Talaba din ang tawag ng mga tao dito".


Tumango naman siya, "Ah. Ahm, wait. Ano naman ang kakainin mo?", tanong niya dito dahil wala pa itong order.


Ngumiti ito, "Inihaw na bangus, tilapia at oorder ako ng sisig", sagot nito sa kanya.


The Bad girl RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon