Chapter 13. (A Date?)

505 19 7
                                    

Pagkatapos siyang ihatid ni Jerk kanina sa hotel na tinutuluyan niya ay agad na itong umalis. Kukunin pa kasi nito ang porsche niya at kailangan pa daw niyang magpahinga dahil alam nitong masakit pa rin ang ulo niya.


Ang gaan gaan ng pakiramdam niya pagkasama niya si jerk. Hindi niya maipagkakaila na kaysarap nitong kasama, sobra. Sinabi nito sa kanya na h'wag na siyang mag-alala pa sa Porsche niya dahil ito na raw ang bahala doon. Sinigurado naman nito na hindi mawawala ang Porsche niya. Ayos kasi si jerk kung mag promise well siguraduhin lang nito na maayos ang pinakamamahal niyang porsche kung hindi magtatago na lang ito sa lungga nito. Hindi naman siguro ito mawawala. Well,sana...


Nabobored na siya sa room niya wala naman kasi siyang magawa maliban sa kumain, maligo, matulog at manood ng tv. Wala siyang mapagtripan at lalong namimiss na niya ang makipag-away. Kamusta na kaya si Jazmine?.Ang galing maghandle ng problema ang gaga.


Tumingin siya sa celllphone niya, ala una na pala ng hapon. Kanina niya pa hinihintay si Jerk, ihahatid daw kasi nito ang sasakyan niya.


Napatingin siya sa cellphone niya, si Winx ang tumatawag. Isa pa 'to eh, kailan kaya ito uuwi? Ano naman ang nakain ng gagang to at napatawag sa kanya?. Wala yata itong ganang umuwi.Agad niyang sinagot ang tawag nito.


"What?",bungad na tanong niya dito.


"Maka what to o, kamusta?",masiglang tanong nito sa kanya.


Umirap siya, "I'm fine,I'm still breathing,how about you?".


"Okay rin naman ako and guess what?",masayang sabi nito sa kanya.


"Buntis ka?",ang sabat niya dito.Narinig niyang sumigaw ito sa kabilang linya. Kaya agad niyang nilayo ang cellphone sa tainga niya.


"Gaga!,hindi!,I'm going home na talaga",sagot nito sa kanya.Going home lang naman pala e.


"Good!", tanging sagot niya dito.


"Maka good to oh!,I said uuwi na ako sure na talaga ito, nakakatampo ka naman eh!", sabi nito na tila nagtatampo. Lagi naman kasi nitong sinasabi na uuwi ito but in the end hindi pala ito matutuloy. Ano ba ang bago dito?.


"Talaga?Baka kasi tatawag ka nanaman at sasabihin mo na hindi ka matutuloy, ano bang bago sa iyo?At gaga ka ba?Syempre na mimiss na kita", sagot niya sa kaibigan.


Narinig niya itong tumawa ng mahina.


"Sure na talaga,bukas na bukas nandiyan na ako sa hotel,sabunutan mo nalang ako pag hindi pa ako umuwi", sagot nito sa kanya.


"Talaga lang, dahil hindi lang sabunot ang aabutin mo sa akin kundi kakalbuhin talaga kita".


"Grabe ka ha pero totoo nga uuwi na ako at madami akong ikukwento sa iyo",sabi naman nito sa kanya.

The Bad girl RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon