Chapter 26. (I'm Sorry. I'm really, really sorry).

413 15 18
                                    

A/N: As a promise, this chapter is dedicated to my bestfriend, MeaninglessWinx..Thank you for supporting me, you and madam Jelyn.. Saranghae..

Enjoy Reading!

***********************************************

"Oh, why do you look like a zombie?", tanong ni Winx sa kanya habang ito'y nakahiga sa kama nila.

Sumimangot siya habang nakatingin dito, "Walang text, walang calls".

"What? I don't get you", kunot-noong tanong nito sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. "Si jerk, he didn't called or text me. I'm so worried about him".

Tinaasan siya ng kilay ng kaibigan, "For sure, busy 'yun sa trabaho".

She rolled her eyes, "Busy? So he was busy for fucking three days that he didn't even bother to call me?"

"Relax, chessy okay? Tatawag at mag te-text din 'yun sayo".

Huminga siya ng malalim, "Yeah, sure. Kung busy 'yun, edi sana ng email man lang 'yun o nag text, I did not enter in this fucking relationship, para mag mukhang detective!. I am his girlfriend, for fucking sake!. Sana manlang nagtext siya. Diba?. Dapat nga akong magrelax", sarkastikong sabi niya sa kaibigan.

Inirapan lang siya nito, "Stop being paranoid will you? Hindi naman halatang inlove ka sa boyfriend mo", pang-aasar nito sa kanya.

Tinignan niya ng masama ang kaibigan, "Yeah, thank you so much!. Ang laki ng tulong mo talaga sa akin".

Napatawa tuloy si Winx sa inasta niya, "Yeah, I know right?".

"Tsk, heartbroken ka lang eh. Aminin mo nga sa akin, may relasyon ba kayo ni drex?".

Bigla namang napabangon ang kaibigan sa sinabi niya dito, "Relasyon? Wala na nga kami".

Umiling siya, "Kung mahal mo, bakit pinakawalan mo?".

Malungkot na ngumiti si Winx sa kanya, "Look, cheesy, siya na mismo ang nagsabi na tigilan na namin ang relasyon namin, total, isang malaking joke lang naman kung bakit naging kami".

Nilapitan niya ang kaibigan, "Pero mahal mo na diba?".

Ngumiti ito, "Mahal. Pero kasi minsan kailangan din nating bumitaw, lalong-lalo na kung sila na mismo ang bumitaw at kung sila na mismo ang tumapos ng lahat lahat sa inyo. I never expected that I will, fall for him, I fall for him harder and deeper. And I don't know, if I can move on easily. Sana kayo ni Jerk, maging strong", umiiyak na saad nito sa kanya.

Niyakap niya ang kaibigan. Naaawa siya dito. Ngayong nahanap na nito ang pag-ibig nito saka naman ito bumitaw. Love is so complicated. Love hurts.

"Chessy, 'wag kang susuko kay Jerk. Laban lang. Hanggat alam mong may laban ka, lumaban ka", she whispered while hugging her.

Napangiti siya sa binulong nito sa kanya.

"Thanks sweety, don't worry, hindi ko siya papakawalan ng basta-basta. Kaya lang, matitikman niya muna ang kamao ko 'pag nagkita kami. And you should stay strong also".

Hindi niya talaga alam kung bakit tatlong araw nang hindi nagpaparamdam sa kanya si Jerk. No hindi siya OA, nag-aalala lang talaga siya sa kasintahan. Hindi naman ganon si Jerk, kasi kahit busy ito, nakakahanap parin ito ng paraan para magparamdam sa kanya. But now? Sana naman, ligtas lang si Jerk at walang nangyaring masama dito.

The Bad girl RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon