Chapter 17. (Shopping Day!)

418 14 16
                                    


"Naiinis parin ako sayo", masungit na saad ni Cheszka sa kaibigan habang nakahiga siya sa kama.


Tumawa si Winx, " bakit kasi sa akin ka naiinis?".


"Basta!", sigaw niya dito.


Naiinis siya dito kasi naman akala niya katabi niya ito kahapon sa elevator 'yun pala nasa likod na niya ito at si Red ang nasa tabi niya. Wala naman siyang nagawa kasi takot nga siya sa elevator kaya hinayaan niya nalang si Red na hawakan siya nito. At nang makalabas na sila sa elevator saka niya ito sinungitan at hinatak na niya si Winx papalabas.


Kaya sa kaibigan niya tuloy nabunton ang inis.


"Naiinis kaba sa akin o sa sarili mo?", tanong ni winx sa kanya.


Tumingin naman siya dito, "Anong klaseng tanong 'yan?".


Nagkibit balikat ito, "Wala lang trip lang".


Inirapan niya ito at hindi na pinansin. Kinuha nalang niya ang cellphone niya sa lamesa malapit sa kama nila. Nag text siya kanina kay Jerk. Niyayaya kasi siya nito na magpunta sila sa mall at sumang-ayon naman siya dito. Kaya mag sho-shopping silang tatlo ni Winx.


"Hey maliligo lang ako ha?", paalam ni Winx sa kanya.


Nag nod lang siya dito. Napatingin siya sa cellphone niya nang tumunog ito.


"Get ready, I'll pick you up, later ", text ni Jerk sa kanya.


"Okay", balik na sagot niya dito.


" 'Wag ka nang masyadong magpaganda... Maganda ka na kasi sa paningin ko".


Hindi niya mapigilang mapangiti sa text nito sa kanya.


"I know, maganda na ako kahit 'di mag-ayos".


"Yeah, sobrang ganda!".


"Ako ba pinagloloko mo?".


"Gwapo lang ako, 'di sinungaling".


Hindi niya tuloy mapigilang mapahalakhak sa sagot nito sa kanya. Loko-loko talaga!.


"Geh na, mag-aayos na ako".


"Alright, bye honey!".


"Gago!".


May honey pa itong nalalaman ha?. Nakangiting tumayo siya upang mag-ayos na.


----------------------------------------


"Sweety, I think nan diyan na si Jerk", saad niya kay winx nang marinig niyang may nagdoorbel.

The Bad girl RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon