Chapter 25. (Lies + Confused)

371 9 9
                                    



A/N: Dahil ang bilis ng connection ko, I dedicate this chapter to my enemy slash bestfriend, Jelyn Detic!. ^__^. Thank you so much for always supporting me.


PS: Winx, sa next chapter ka lang ha?.


I so love you guys!.


Enjoy reading!.


********************************


Jerk's POV


Minsan na din akong niloko at sinaktan, ngunit naniniwala akong ang magmahal ulit ay sadyang tinadhana para sa iyo ng Diyos. Akala ko noon, hindi na ako muling magmamahal pa ngunit ng makilala ko si Cheszka, nagbago na ang paniniwala ko. Unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kanya. Actually Cheszka was not my type. Ayaw ko sa mga babaeng suplada at bitch.


Napangiti ako, sadyang mapagbiro talaga ang tadhana. May mga bagay talagang hindi mo pinangarap ngunit sadyang darating lang talaga sayo ng hindi mo inaasahan. 'Pag puso mo na ang nagdikta, hindi mo na ito masusuway pa.


Agad na napalingon ako sa aking cellphone ng tumunog ito. Kumunot ang noo ko ng makitang hindi naman naka save ang number ng tumatawag. Binitawan ko muna ang mga papeles na hawak at sinagot ang tawag.


"Hello, Can I know your name please?", sagot ko sa tumatawag. Bahagya kong nilalaro ang hawak kong ballpen.


Kumunot ang noo ko. Alam kong naririnig ako ng tumatawag sa kabilang linya. Dahil naririnig ko ang paghinga nito.


"Hello, hmm.. Alam kong gwapo na ako, kaya sabihin mo na kong gusto mong magpapicture o magpaautograph sa akin", saad ko ulit. Aba malay ko bang stalker ko 'to?. Sa gwapo ko ba namang ito?.


Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya. Agad na nabitawan ko ang hawak kong ballpen. Hindi ako pwedeng magkamali, kilalang kilala ko ang boses ng tumatawa.


"You never changed, Kurt. Ano,?. Napag-isipan mo na ba ang napag-usapan natin kahapon?", tanong ni Thea sa akin. Tama si Thea ang tumatawag. Pangalawang beses na kaming nagkita. 'Yung una ay doon sa first date namin ni Cheszka sa Paradise City at kasama nito si Justin. At ang pangalawa ay 'yung nangyari noong nakaraang araw. 'Yung bibili na sana ako ng ice cream at cotton candy para kay cheszka nang magdate kami sa park. Hindi naman matagal ang pag-uusap namin. Gusto lang kasi nito na makausap ako, 'yung matagalan. Nagtanong ito sa akin kung pwede daw kaming mag-usap tungkol sa nangyari noon. Tungkol sa pag-iwan nito sa akin noon. Sa totoo lang, gusto ko rin siyang pagbigyan, matagal ko nang gusto na marinig ang mga paliwanag niya. Ngunit noon 'yun. Parang nagbago na ang desisyon ko ngayon. Hindi ko alam, pero natatakot ako. Paano pala 'pag mali ang mga akala ko noon?. Paano si Cheszka?. Ayokong saktan ang girlfriend ko.


"Kurt?. Hindi ka parin ba handa?", malungkot na tanong nito sa akin.


The Bad girl RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon