Chapter 19. (Day 1 with him)

368 14 11
                                    


Nauna na siyang pumasok sa loob ng room na kinuha nila ni red. Bumuntong hininga siya. Ano na kayang mangyayari sa kanilang dalawa?. Makakasama niya ito ngayong gabi hanggang bukas.


"Just act normal Cheszka, ano naman ngayon kung makakasama mo siya?", bulong na sabi niya sa sarili. Napatingin siya sa pinto ng bumukas iyun. Nakita niya ang pagpasok ni Red sa loob.


Agad siyang napa-upo sa kama at tumalikod dito, naiilang kasi siya.


"Gusto mong maglakad-lakad muna sa tabing-dagat?".


Gulat na tumingin siya dito, "Hindi mo ba alam na nakakagulat ka?".


Ngumiti ito sa kanya, "Bakit ka naman magugulat sa akin?".


"Baka kainin mo ako eh", pabulong na saad niya. Hindi naman siya siguro nito maririnig.


Tumingin siya dito nang tumawa ito ng malakas, "Hindi naman kita kakainin eh, well hindi pa".


Lumaki ang mata niya sa sinabi nito.


Kinuha niya ang cellphone niya sa bag at mabilis na tumayo. Tinignan niya ito ng masama, "Bastos!".


Dali-dali siyang lumabas ng kwarto. Hindi niya mapigilang mapangiti ng malanghap ang sariwang hangin. Naglakad siya papalapit sa may tabing-dagat. May mga nakikita siyang mga bata na naglalaro. Bakit ngayon niya lang ito na discover?. Ang ganda ng place na ito. Lumapit siya sa mga batang naglalaro.


Nakatingin lang siya sa mga itong gumagawa ng kung ano sa buhangin. Hindi niya mapigilang mapangiti. Nung bata siya, naglalaro din siya sa buhanginan together with.. Jazmine.


"Ang ganda naman 'nyan", puri niya sa gawa ng mga ito.


Agad namang napatingin ang apat na mga bata sa kanya.


"Tagalog na siya?", tanong ng batang babae sa mga kasamahan nito.


Kumunot ang noo niya, hindi naman kasi niya maintindihan ang mga ito.


"Gwapa siya katama, bea no?", ang sabi naman ng lalaking bata.


"Ahm, hello. Ano 'yang ginagawa niyo?", magiliw na tanong niya sa mga ito.


"Ano kuno?", narinig niyang tanong ng isang batang lalaki sa mga kasamahan nito.


Lalo tuloy siyang nagtataka. Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi ng mga ito.


"Ang hambal niya, ano ang inyo gina-ubra".


Napatingin siya sa kanyang likuran. Si red pala ang nagsalita. Teka, marunong ito ng..ano ngang dialect ng mga tao sa lugar na 'to?.

The Bad girl RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon