Chapter 12 ~ The Last Dare
-Cabi and Hane-
Sabado ngayon.
Ngayon ang araw ng dare ni Nichole which is a date with ADrian at sa Mall of Asia sila pupunta.
Dahil dare nga ito ni Nichole hindi pwedeng mawala ang tropa kaya nagusap-usap sila na sundan ito nang palihim. Maliban lang kina Sam na sinabing may gagawin ito at si Gracelyn na busy naman sa assignments.
Lingid sa kaalaman nila na iba talaga ang dahilan kung bakit hindi sasama ang dalawa.
Sa araw ng date nina Nichole at ADrian, napagpasyahan nina Sam at Gracelyn na gumala rin sila sa Mall of Asia for old times’ sake. At kahit sabihin nating malaki ang MOA, hindi malabong magkita-kita sila sa loob nito.
“ADrian mag-breakfast ka na muna, gigisingin ko pa yung isa doon sa taas.” Alok sa kanya ni Tita Bing.
“Huwag na po. Kumain na po ako sa bahay namin.” tanggi niya. Tumango lang si Tita Bing atsaka umakyat na sa second floor ng bahay.
Kasalukuyan siyang naka-upo sa sofa nina Nichole dahil ngayon ang napagkasunduan nilang date. Oh scratch that, FRIENDLY DATE. Excited siya kaya alas-siyete pa lang ay umalis na ito ng kanilang bahay.
"Hintayin mo na lang 'yung isang 'yun ah! Naku ang hirap gisingin talaga!" sabi ni Tita Bing sa kanya. Dumiretso na ito sa kusina dahil magahhanda pa raw ito ng almusal.
“Mami naman ang aga-aga pa oh! 'Lam niyo naman pong nag-anime marathon ako kagabi eh!"
Napukaw ang atensyon ni ADrian sa babaeng bumababa sa hagdanan. Nichole still looks beautiful even though bagong gising pa ito, ADrian thought. Nakasuot pa siya ng pink na PJ's at gulu-gulo pa ang buhok. Hindi pa nga nito maimulat nang maigi ang kanyang mga mata dahil sa puyat; dahilan para 'di niya mapansin si ADrian sa salas nila.
"Eh kasi naman 'nak, sabi ko sa'yo matulog nang maaga eh! Dapat kahit walang pasok, matulog pa rin nang maaga." sermon nito kay Nichole.
"Sorry na 'Mi. Pero tutulog na muna ulit ako, ah? Antok pa talaga ako eh." nakaupo na si Nichole sa baitang ng kanilang hagdanan: nakasandal ang ulo niya sa may hawakan at nakapikit.
"'Di pwede anak. Maligo ka na."
'Di patinag si Nichole at nandoon pa rin sa hagdanan at nakaupo. Mukhang nakatulog siya habang kausap ang kanyang Mami. Kanina pa siya pinapanood ni ADrian and he finds it amusing na bigla na lang nakatulog si Nichole sa may hagdanan. Maybe she was that sleepy kaya 'di na niya kinaya pang umakyat pabalik sa kuwarto niya. Nakaisip tuloy si ADrian ng isang magandang idea.
Tumayo ito mula sa kinauupuan niya at nagpunta roon sa may hagdanan. Inilabas niya ang kanyang cellphone at binuksan ang camera nito. Umanggulo siya nang kaunti saka pinindot ang capture button.
Ang galing kong candid shot photographer haha, pabirong puri ni ADrian sa kanyang sarili. Nichole looks peaceful and beautiful in the picture. Kumuha pa siya ng ilang beses atsaka nagpasya nang gisingin si Nichole.
"Oy, Nichole..." mahinang kalabit niya kay Nichole. No effect.
"Psst..." niyuyugyog na niya ito. Still no effect.
Pa'no niya kaya ito magigising? Another idea struck him.
Hinawi niya sa mukha ni Nichole ang ilang hibla ng buhok nito, atsaka ipinasok sa tenga ni Nichole para makiliti ito at magising. Muli siyang natuwa sa itsura ni Nichole habang unti-unting nagigising kaya kinuhanan niya uli ito ng litrato.
"Schuoy... haenooba... Natsooschulong peko ihh..." kumukunot na ang noo ni Nichole. Hindi pa rin ito tinigilan ni ADrian.
"Sooshi... pwenge ekong soooooshi..... PapashuntokkekeyoshakayDonaire..."