Chapter 6

344 11 8
                                    

Chapter 6 ~ Preparations with Unknown Emotions

-Nichole-       

“One, two, three, four, five, six, and seven and turn!” sabi nung trainer habang sumasabay sa pagsayaw namin sa quadrangle.

Ilang araw na lang at foundation day na namin kaya heto, todo practice na. Kasabay kasi ng foundation day ay tradisyon na ang magpresent ng field demonstration ang mga estudyante per year level. This year sa pagkakaalam ko, hip-hop ang theme ng field demonstration pero merong ibang year na street dance ang ginawang theme.

Eh ang kaso, yung amin naging retro. 

Sa lahat ng mga sinayaw kong field demo sa apat na taon ko dito sa high school na to, ngayong year yung pinakamatindi.

Bakit?

Masasabi kong napaka"daring" ng sayaw namin ngayon.

Sa umpisa okay pa eh. Pasway-sway lang kame to the left and to the right. Tapos nagsimula na ang mga touchy-touchy na parts. May ang partner ko pa naman, sobrang tangkad. Maputi siya at mukhang intsik. Tapos meron pa siyang kakaibang amo--.. uhmm.. aura.. You know what I mean?

Feeling niya pa hindi ko magets yung sayaw. Excusee me. Kahit papano marunong ako sumayaw noh.

Pero, ang awkward parin namin ni ADrian. or ako lang ang naiilang? Para sa kanya kase, wala lang eh. Ano ba yan, siya nanaman naiisip ko. Kailan magconcentrate sa sayaw kase SOBRANG strict ng instructor.

Good luck Seniors!

-Hane-

[isa sa mga authors, not a new character]

Pero di talaga mawala sa isip ni Nichole si ADrian.

-Nichole-

Ilang weeks na rin after nung ‘confession’ na yun at hindi ko maintindihan si ADrian dahil kung makaasta naman siya parang walang nangyari. Lumalapit pa rin siya sa akin, pero ako ‘tong si iwas ng iwas. Bakit? Hindi ko rin alam, pero ewan... eehhh, naiilang ako na parang ano eh.

“CHEN! FOCUS! NAWAWALA KA SA RYTHM!” 

Ay shufa! Masyado palang nagliwaliw yung utak ko sa kung saan-saan hindi na ako nakasayaw ng maayos, haha sorry naman, ayan tuloy nasigawan ako ni trainer namin...

“Nichole, bakit parang wala ka sa katinuan ngayon?” pasimpleng tanong sa akin ni Jhale. gagawa na kami ng bagong formation nun at saktong malapit ako sa pwesto niya. 

“Nukaba, wala lang ‘to haha, hoy magfocus ka dyan, ikaw na yung nagkakamali oh, mali yung sway ng kamay mo hahaha” paglingon ni Jhale sa harap ay nakita na niya ang nagtetrain sa amin na masama ang tingin sa kanya. Pagtingala ni Jhale ay nakita niya na naiiba nga ang sway ng kamay niya.

Naningkit ang mga singkit na mata ng trainer namin.

“Psh!” nakayuko niyang bulong saka niya tinama ang direksyon ng kamay niya.

Pagkatapos ng tugtog ay nagkanya-kanya na kaming hanap ng mauupuan dahil napagod kami sa practice. Biglang pumalakpak yung trainer.

“HEP HEP HEP! SINONG NAGSABING TAPOS NA?!? HINDI PA! Saka na magpahinga pagkatapos nito. Pag-aaralan na kasi natin yung magiging formation ninyo together with other sections. Dali na!” at ayun, pinatayo na kaming lahat uli.

 Naman, di ba pwedeng break muna? Naluluhang request ko sa kung sino man ang makarinig.

 “OH! SILVER, ALUMINUM, GOLD AT BRONZE! SUMAMA NA KAYO TOGETHER WITH COPPER SA PAGPAPRACTICE!!!

Cheating HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon