Chapter 7.2 ~ JAMFEST and a Proposal?
-Lhans-
[reminder: authors’ little hepler]
Ang JamFest ay gaganapin sa Quadrangle. Sa ngayon, nag-aayos pa sa stage ang mga staff..or sa totoo lang, yung Music teacher nilang astig at ibang mga lalaki na natagpuan niya sa paligid XD.
Inaabangan nila Lhaine, Jhale, Ceebee at ng buong tropa ang tugtugan na ito kaya nag-save na kaagad sila ng puwesto sa harapan banda malapit sa stage. Front row. Feeling VIP eh. Ganito ang ayos ng upuan..
Si Ceebee, ADrian, Gracelyn, Sam, Nichole, Lhaine, Jhale, Irene, Jesth then finally si Floyd.
Tunghayan na natin ang tagpo na ito.
-Nichole-
Haay. Magkaibigan na nga ulit kami ni ADrian pero syempre, hindi naman mawawala kaagad ang awkwardness na parang bula. Tapos dagdagan mo pa ng t-shirt namin na mukhang pang-couple. Kaya hindi muna ako tumabi sa kanya,baka masobrahan ako ng Vitamin ADrian.
Kaso si Gracelyn naman yung katabi niya.
HUH. Shufa, ano ba 'tong mga naiisip ko. Nakakahiya! Kailangan mong kumalma Nichole.
KALMA!
Breathe in, breathe out. Breathe in, breathe out.
"HUY!"
"AY SHUFA! Ano ba naman mare?"
"Anong ginagawa mo? Kabado ka ba? Istressed? Nervous?"
"Wala, pagod lang kasi ako. Uy oh malapit na magsimula."
"Talaga, talaga?!"
Haha 'tong si Lhaine talaga. Hilig mangulat. O siya, dito muna tayo magconcentrate. Mukhang magiging masaya to.
-Jhale-
"Anong ginagawa ni Nichole dun?" tanong ko kay Lhaine
"Aba malay ko. Pero teka, malapit na magsimula Jhale!"
"Oo na."
"Teka sinong banda na ba yan?"
"Wag kang excited ayan na nga yung Emcee oh."
"Sorry naman."
"Hi Philip!" bungad ni Lorenz, isa sa mga Emcee.
"Hi Lorenz!" sagot ni Philip na Emcee rin.
"At magandang gabi mga students!" sabay nilang sinabi.
"Nag-enjoy ba kayo sa Field Demo natin kaninang umaga, at sa mga booths kaninang hapon ngayong Foundation Day? Puwes hindi pa dun nagtatapos ang araw na ito. Diba Philip?"
"Tama ka diyan kaibigan. Dahil sa mga oras na ito, magkakaron ng isang tugtugan na yuyugyog sa mga katawang lupa ninyo!"
"Wow. Ano pang hinihintay natin? Simulan na natin ang.."
"This year's JAMFEST!"
Woooo! Nag-ingay ang mga tao, at kasama na kami dun.
"Ipinakikilala namin ang unang banda: Infinite Plus One, with Joy, Rizza, Lence, Lester, Bosa, Jhon, and Dash!"
Wow ah. Infinite na nga nag + 1 pa?
"Good Evening people! Para sa inyo to." sabi ng isang vocal.
Nag-umpisa na sila tumugtog, at ang kanta?
"Bring Me to Life" ng Evanessence.
How can you see into my eyes like open doors?