Chapter 5

316 7 8
                                    

Chapter 5 ~ To tell or not to tell

-ADrian-

Nandito kami ngayon sa lobby at hinihintay sina Gracelyn, Jhale at Nichole.

Last week kasi may usapan kami na pumunta sa mall.

Di ko naman alam na magiging brokenhearted ako ngayon.

“Ceebee! Asan na ba sila?” naiinip na tanong ni Lhaine.

“Ewan ko.” sagot ni Ceebee sabay tingin sa hagdan, “Ayun na pala eh!”

“YAY! IT’S FRIDAY! I’M SO HAPPY!” masayang-masayang bigkas ni Gracelyn, buti pa siya happy.

Ano ba masaya sa Friday? Ha? Sabihin niyo nga sa’kin para sumaya din ako.

Habang malapad ang ngiti ni Gracelyn, sinamaan ko siya ng tingin.

-Gracelyn-

Siniko ako ni Ceebee.

Bakit, ano ba ginawa ko?

I’m just telling the truth.

AND,

I have the right to express my feelings. Hello, nakatira tayo sa demokratikong bansa.

LASTLY, sino bang may ayaw sa FRIDAY? Tell me!!!

No teachers to pressure you for at least two days. And my classmates na super duper talino, sila na.

Tapos bigla kong naalala ‘yung kanina, at lahat kami biglang natahimik.

Bigla tuloy nagdown to 0 ang happiness na nararamdaman ko.

“Tara na kaya, hehe, parang gusto niyo pang tumambay dito sa school ah?” nag-aalangang tanong ni Jesth. Malamang hindi niya rin alam ang dapat na sabihin.

Pero nauna  na silang maglakad. Ang I notice na bakit parang by pair?

Magkasabay sina Jesth at Floyd, no doubt about that.

And Irene at Ceebee.

Natira kami nina Nichole, Jhale, Lhaine, Sam at ADrian.

-Jhale-

Nabalutan na naman kami ng napakatahimik na SILENCE.

Naghihintayan kami kung sino ang sasabay kanino.

Kasi usually ang magkasabay ay sina ADrian at Nichole. Ganun sila ka-close.

“Mare tara na!” aya ni Nichole kay Lhaine.

Naglakad na sila papunta sa gate kung saan naghihintay sina Ceebee. Naglakad na rin sina Gracelyn at Sam. So natira kami ni ADrian. No choice ako. Bakit? Kasi kung makikipagpalit ako:

Choice 1: Jesth and Floyd – out of the choices na agad. Lovebirds eh.

Choice 2: Irene and Ceebee – kahit gusto ko kasabay si Ceebee, hindi papayag si Irene dahil may something pa yan kay ADrian.

Choice 3: Nichole and Lhaine – kanina ko pa kasama si Nichole kasi classmates kami at hindi ako pwede makipagpalit sa kanya para si Lhaine naman kasama ko, kasi dun sa “confession chuchu”.

Choice 4: Sam and Gracelyn – di masyado close sina ADrian at Sam, at di mo pwede pagsamahin ang isang brokenhearted na ADrian at masayang Gracelyn.

Choice 5: ay wala na palang ibang choices. NONE OF THE ABOVE.

-Lhaine-

Hay!

Feeling ko hindi enjoy 'tong gala namin ngayon.

Cheating HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon