Chapter 2 ~ A Day with Shomba
-Jhale-
Nag-alarm na ang aking pinakamamahal na cellphone. Pagkatapos kong i-stop ung pag-alarm napatingin ako sa oras.
“Fudgee!”
Naman oh! Alas-singko na pala. Baka ma-late na naman ako nito. Dali-dali akong bumaba papunta sa baba, alangan naman bumaba ako papunta sa taas di ba?
Anyway, ginawa ko na ang ritwal na ginagawa ko sa umaga.
Naligo. Hindi na ako nag-concert kasi nagmamadali ako eh. Di ba, singer nga ako sa banyo?
Nagbihis.
Uminom ng gatas. Lagi naman eh, kasi wala akong time mag-breakfast.
Toothbrush.
Suklay.
Powder.
At voila! I’m ready
“Ta, alis na po ako!” nakatira kasi ako ngayon sa tita ko dito sa Valenzuela. Ang mama ko naman nasa abroad.
Lumabas na ako ng bahay.
Haaaay!
Eto na naman po tayo. Hassle naman kasi lagi ang pagpunta ko sa school eh.
Valezuela to Pasay.
Sasakay ka lang naman ng 2 tricycle, bus na feeling ay isa siyang lrt dahil siksikan kahit ung gitna ay may mga pasahero, at isa na namang lrt.
Pagpasok ko sa room andun si Ceebee sa tabi ni Irene. Wala pa si Jesth. Magkakaklase kami nun. Pati nga si Floyd at ADrian eh, classmate namin. Magkaklase naman sina Nichole at Sam. Si Gracelyn, andun sa room nila.
“Oh, Ceebee bat diyan ka nakaupo?” tanong ko pagkapasok na pagkapasok ko.
“Wala akong katabi dun eh. Magmukha lang akong loner.” Dun kasi kami sa 2nd row naka-upo, tabi ng window.
Pumunta na ako sa seat ko, sumunod na naman siya, so naiwan si Irene sa front seat wala pa yung katabi niya eh. Si Jesth.
Kung di niyo pa kilala si Irene,
Siya si Irene.
Joke. Ma. Irene Cristel Garcia ang full name niya. May crush yan kay ADrian, 2nd year pa lang kami. Mahilig siya sa korean novela at SEGA addict. Super adik. Grabe.
Si Jesth Enrique. Well ‘sabi niya’ siya ay inosente? Parang anghel? Mabait? Oo mabait nga siya. Walang kamuwang-muwang sa buhay? Ano un, bagong panganak na sanggol?
Anyway, may crush siya kay Sir B.
PERO!
Mahal niya si Floyd. Ang kanyang boyfriend.
Nagsidatingan na rin yung iba naming mga kaklase at nag-take na kami ng pre-test.
Subject namin ngayon ay Language Proficiency II. Tapos na kami sa I nung Friday.
Haaaay! Nag-unat ako ng kamay at humikab tapos na rin ung test.
Ang dali.
Grabe!
Ang daling manghula.
Tawa kami ng tawa ni Ceebee pati si Camille kasi nung nag-ring na yung bell, tanda na tapos na ang test, nag-shade lang kami ng nag-shade sa answer sheet namin.
Umalis na yung proctor namin, maya-maya lang pumasok na sa room si Sir B. eto na naman tayo sa Hunger Strike niya. Ginawan niya kasi ng strategy yung pagtuturo niya para hindi boring.