Chapter 1

114K 783 58
                                    

That Gangster (Formerly: Keep Calm? No. I'm a Gangster)

by: dolletienne of wattpad

all rights reserved 2011

*****

(Warning: This is Boring XD)

"Uhh..." Nakatingin lang kasi sakin yung guard nung school na ito. Ewan ko ba dito kay manong guard, masyadong naaamaze saakin, hindi naman ako maganda. Ehem. (Medyo fisherman = fishing for compliments) XD

Ano nanaman kayang mangyayari sakin dito? Every year nga yata ako nagpapalit ng school for some nakaka... nakaabaog na rason. As in yung tipong naisuka na sya ng buong pagkatao ko na pati matres ko bumitaw na sakin. Ahh, wag na nating isipin sya. First day ito, enjoy na lang.

Ay oo kumbaga, kagaya talaga ng karamihan ng kwento eh sa first day ang scene ng first chapter pero dahil ako ay pilit na nagpapaka-unique, nasa second day of school na ang timeline ng kwento kong ito. LOL. Pero Real talk, second day of school naman talaga pero feeling first day kasi hindi naman ako pumasok kahapon. So, oo cliché padin itong kwento ko kagaya parin ng ibang mga kwento kasi nga gaya-gaya ako kung hindi nyo pa napapansin. Haha.

"Ahh, dito po ako nag-aaral."

"Ahhhh."

Alam nyo na, medyo na-speechless lang sakin yung guard pati ako. Alam nyo na din, forever speechless kasi ako (Nakikipagusap naman ako sa close friends) pero kinakausap ang sarili. May nabasa kasi ako na ang mga taong kumakausap sa sarili ay matatalino. Pinangangatawanan at pinananaligan ko naman hanggang ngayon yun. Simula kasi nung kinausap ko ang sarili ko, naka 76% ako sa math last year na dati ay 75% lang. Nakakaiyak lang. XD

Papasok na sana ako ng gate ng school ng bigla naman akong hatakin ni Mang Edward. Yun yung pangalan ni manong guard lamang nag ooptein ako eh malinaw po ang aking mga mata. Chos, di naman talaga yun effective sakin. Naka-contact lens naman talaga ako. XD

"Late ka iha."

"Opo."

"Ika'y lumagda dito."

At iyon ang makabagbag damdaming paguusap namin ni Mang Edward. Masyado kaming friendly and talkative and fabulous. Haha, san galing yung fabulous yung totoo?

Pinaalis na ako ni Manong guard pagkalagda ko. Nakakatuwa lang yung "lagda" wag kayong ano. XD

Dahil laki ako sa bukid na punong puno ng tanim ng tubo, mais, at iba pa, nagpakahirap akong umakyat ng hagdan dahil hindi ako marunong gumamit ng elevator. Pero syempre joke lang yon kaya tumawa kayo kasi minsan lang ako mageffort. XD

Pagbukas ko ng room ko na PH213, napatingin silang lahat sakin na medyo nagtataka lang kung saang lupalop-na-magaganda-lang-ang-pwede ako nanggaling kasi bago lang ako sa paningin nila dahil hindi nga ako pumasok kahapon. Nakarecover naman agad ang mga kaklase ko sakin at bumalik sa kanikanilang business. Medyo naging trending ako dun ng mga 2 seconds. Medyo nakakadissapoint lang wala man lang akong nakitang facial expression like pagkamangha kunyari dahil nagandahan sakin mga ganung bagay po. Hahaha. Feeling. XD

Umupo naman ako sa bakanteng upuan na katabi ni Mikaela na pinareserve nya sakin. Oo, syempre hindi naman ako lilipat ng school ng forever alone. Kailangan may kasama lagi. Feeling baldado kasi ako. Joke, syempre ayokong magmukhang abandunado at walang kasama. Kaw kaya? Kumbaga kapag magccr, may kasama. Mga ganun.

Habang nagkukwento si Mikaela sakin ng kung anu-ano, may nagbukas naman ulit ng pinto at napatingin kaming lahat sa pinto. Pansin ko nga masyado kaming curious lahat sa mga papasok ng pinto kasi lagi kaming tumitingin. Haha nahawa na din kasi ako.

Tapos natigilan ako at nanlaki ang mga mata kasi siya yung pumasok ng room. Hindi naman talaga nakapagtatakang lagi nya akong nasusundan pero... mukhang kaklase ko pa sya this time. Argh.

Medyo maangas syang napatingin saakin at nagsmirk na halatang praktisado dahil kada makikita nya ako ay ginagawa nya yon.

Umupo sya sa tabi ko.

"Love always finds a way, mi love." At saka siya tumingin sakin at ngumisi ng ngising nakakaasar sa tagal ko ng nakikita ito. At sa tagal ng binabanggit nya saakin ang "Mi Love", ngayon lang ako kinilabutan don. Para kasing ano, nagmature na yung boses nya. Hyper kasi yan, di bagay sakanya magpacool. Ganun.

"Duh." Ang nasabi ko na lang sabay irap na mas lalo syang napangisi.

"Mi love, sabay tayo magrecess ha mamaya. ^__^" Ayan nanaman po ang killer smile nya, ngiting pang mamamatay tao. Tapos tumayo din sya sa pagkakaupo at naglakad palabas ng room. Buti hindi ko sya kaklase. As in baka nga tuluyan na akong mabaog.

Bago sya tuluyang lumabas ng room, nagsalita pa sya ulit na nakapagpalubog sakin sa kahihiyan. Maangas pa ang pagkakasabi nya na di naman bagay sakanya at nakakasura lang pero sabi naman sakin ni Mikaela, bagay daw naman kasi may 'looks-daw' LUL.

"Mikaela, take care of mi love and don't ever let any guy be close to her... I might kill them."

Aish! That stupid gangster! Really stupid! >__<

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon