Chapter 4
“Ylaine kapag napuno ako sa Dayami’ng yon wag mo kong pipigilan ha?”
“Dayami?”
“Yong mukhang tilapiang transferee!”
“Ahhh. Okay, go.”
“Thankyou sa pagsuport.”
“You’re welcome.”Opo, para lang kaming mga gago ditong naguusap. Wala kasi akong kwentang kausap. Alam nyo na. Pero sabi kasi nung pinsan ko sakin dati bale mga 2 weeks ago palang naman, dapat daw sinasanay ko na makipagusap ng mahaba-haba. Hindi ko naman pinapansin yong sinabi nyang yon dati kasi may kadugtong pa yung payo nya na… para daw hindi ako maging boring na girlfriend balang araw. Eh since may crush na ako tas kaklase ko pa, ayokong isipin nyang boring ako. Ayy, pandit. XD
De, kasi para ngang type ni Prince yong mga madaldal at palaban-kuno na kagaya ni Diana eh. Ang hirap kaya magbago. Ayoko na nga lang magbago nakakainis lang. Huhu. Kung magiging kami naman ni Prince, siguro yung kahit walang imikan pero magkatabi lang kami eh ice na ice na din. Tahimik din kasi sya pansin ko. Destiny. Haha.
“Amp! Di ka ba naiinis sakanya Ylaine?!”
“Kanino ga?”
“Kay Dayami Barramedang bruhilda! Kainis kaya!”
“Ulul. Inaano ka ga nun ngayon? Wala naman dito.”
“Wala nga. Aish! Bat ganon?! Na-LSS ako sa mukha nun eh!”
“Kailan pa Naging LSS ang tawag sa naaalala ng memory pag vision?”
“Wala lang! Pauso!”
“K.”
Kumagat sya ng paborito nyang tender juicy footlong na hindi ko alam kung kelan nya binili. Bigla nalang sumulpot ganon.
“Anywaaay, ang kasurahan ko sa kanya ay bawing bawi. Ang feeling kase! Ang yabang nya kasi. Kahit nakakairita sya, napahiya naman sya kanina! Sarap sa feeling."
“Alin don? Yung ano..?”
"OO! YUN! Yung nagquiz tayo tapos wala syang grade. Hahaha! Feeler naman kasi. Akalain mong Dianna Seonwoo ilagay nya sa one-half! Kabanas!"
Ahhh. Hahaha! Oo, napahiya talaga sya dun. Eh kasi sabi ng teacher namin, hindi naman daw yun ang apelido nya at hindi nya yun malalagyan ng marka dahil wala naman daw ganung pangalan sa class record nya... so ayun.
Tapos dinipensahan nya pa ang sarili nya na ikakasal naman daw sila pagdating ng panahon dahil sila ay mag fiancee. Sabi naman ni teacher, saka na lang daw nya ilagay ang Seonwoo sa pangalan nya pag hindi na sya nangangarap. Kaya napahiya naman sya lalo.
“Malay mo naman tunay ngang magfiance sila. Ganon.”
BINABASA MO ANG
That Gangster
HumorWARNING: PASENSYA NA PO PERO HINDI KO NA PO TATAPUSIN ANG REVISION NITO. Hindi ko po ito kayang burahin dahil first novel ko po ito at gusto kong mabalikan ang mga comments. Thank you so much po.