Chapter 11
“Tara na, love” Sabay hatak nya sa kamay ko. Hindi man lang ako makapalag kasi nagdaya sya. I mean, bigla nya na lang akong hinatak na walang pasabi. Makakapalag pa ba ako non? Tapos nakita ko pa yung tatlo nyang tropang ngising ngisi samin tapos si Mike naman eh kakaway kaway pa. Suntok!
“Teka lang naman!” Sabi ko. Tumigil naman sya. Napatigil din ako tapos napatitig sa kanya kasi parang may mali. Ahhh, mali talaga. Akala ko ba magpapamake-over-kuno sya sakin eh mukhang sa lagay namin ako ang kailangan ng makeover.
Maganda naman na ako (EHEM) pero kasi parang halatang pinaghandaan nya ito kaya mukhang hindi ako masyadong maganda sa ayos nya. Parang OP na OP ako. Ayos na ayos kasi talaga sya at hindi na sya naka-pang-nerd na outfit Yung normal nya lang na ayos. Nakauniform pero ayos na ayos. Ewan, mahirap iexplain. Tapos ako, parang mukha akong nakaladkad lang dito ng walang pasabi at hindi ready. Well, hindi naman talaga ako ready pero may pasabi. Ganon.
“Ba’t ganyan ang itsura mo?” Tinaasan ko sya ng isang kilay tapos namutla sya. Gay.
“P-panget ba?” Inirapan ko na lang sya.“Ano pang ipapamake-over mo sakin sayo? Utak na lang?”
“Basta!”
“Sinisigawan mo ako?”
“H-hindi ah! Hmn, sakay na?” sabay turo nya sa motor nya.
“May lisensya ka ba? Ayokong mahuli.” –Ako
“Student’s liscence.” Umangkas na sya ng motor tapos iniabot nya sakin ang isang helmet na kulay red. Tinanggap ko na. Ayoko ng humaba ang oras na kasama sya, no. Nakakakilabot kasi.
“Ano ba yan? Bakla ka ba?” Ang bagal nya kasi magpatakbo ng motor tapos pag may titigil na sasakyan eh hindi nya kayang sumingit sa gilid. Kapag naman walang trapik, ang daming sasakyang napapaovertake samin kahit tricycle to think na motor to na dapat mas mabilis kami. Aish! Nakakahiya na, buti nakahelmet kami. O kahit wala naman nga pala kaming helmet dahil ultragay ang nagpapatakbo nitong motor. Sobrang bagal.
“Baka lang kasi madisgrasya tayo.” Napairap na lang ako kahit hindi nya kita kasi nasa likod nya ako. Nakakairita talaga sya. Ang bait nya kasi sakin. Tss.
Nakarating na kami sa mall. Una nya akong dinala sa Jollibee. Shet, weakness ko to eh kaya hindi na sadya ako pumalag. Pinaupo nya na ako at sya na daw ang bahala umorder. Bumalik syang maraming order pero may ‘number’ pa. So ibig sabihin marami pa syang order?! Kaya pala dito nya ako pinaupo sa mahabang mesa na may anim na upuan.
BINABASA MO ANG
That Gangster
HumorWARNING: PASENSYA NA PO PERO HINDI KO NA PO TATAPUSIN ANG REVISION NITO. Hindi ko po ito kayang burahin dahil first novel ko po ito at gusto kong mabalikan ang mga comments. Thank you so much po.