Chapter 15
“MI LOVE!” Ngiting ngiting bati sakin ni Eris kalalabas lamang namin ni Mike ng classroom. At ngayon lang din ako naging aware na pinagtitinginan nga kami. Huhu! Ang manhid ko na ba para hindi ko talaga sila maramdaman na nakatingin pala parati kapag lalapit sakin si Eris? Sarap tumalon sa second floor.
“Nabasa mo?” Ngiting ngiti parin sya. Huhu ang pangit.
“Uhh, oo.” Tapos mas lalo naman lumawak ang ngiti nya.
“Ansaya ko, bukod sa nakalagay sa portfolio na parang pinagpapartner talaga tayong dalawa, pinansin mo na din ako ngayon. Hehehehe.” Ugh, gay! -__-
“Huh? Hindi naman kita iniisnab masyado ah!” Sabi ko kasi feeling ko may nakikinig tas ayoko din namang isipin nilang suplada ako. Huhu!
“Oo nga, pero hindi mo na ako tinataboy at sinusungitan. Hehehe.”
“Sabi mo kaya, friends tayo.”
“Oo nga. Hehehe wala lang! Basta! Hehehe!”
Yung totoo Eris, napopossess? Basta aish! Wag nya lang mababanggit yung kagabi kasi hindi ko rin naman yun sinasabi kay Mike. Asa pa syang sabihin ko yun. Wala naman akong balak.
“Hatid ulit kita sa inyo?” Naramdaman ko naman na kahit hindi lantarang nakatingin ang mga tao samin eh nakikichismis parin sila. Parang naka wide-open yung kanilang tenga, mga ganong bagay ba. Nakikichismis. Huhu lalo na nung napakinig nya yung word na ‘ulit’
“La, wag na. Ang layo ng inyo samin sayang gasolina.” Huhu, kailangan ko talaga magmukhang friendly.
“Naks! Concern! Hahahaha!” Sabi ni Mike tas nagtawanan sila ng mga kampon ni Eris. Ansabe ng kampon ano po? Hahaha!
“Ha? Di yan! Dali libre kitang fishballs!” Mas gusto ko ang kikiam. Hu!
“De, wag na ano ka ba?”
“AHA! Di ka nangangain ng streetfoods no? Nandidiri ka dun no?” Tapos parang nagbulungan. Ohmygod, ayokong isipin nilang maarte ako! HUHU!
“Di ah! Baka lang maubos allowance mo!”
“Di yan! TARA!” At hinila nya na ako na iniwan namin sina Mike at yung tatlo.
--x
“Oh? Ba’t di ka nakain?” Tanong sakin ni Eris nung napansin nyang hindi ko ginagalaw ang mga binili nyang streetfoods.
“Ako pala ang maarte ngayon no? Ayoko nito.” Kasi ayoko talaga nun. Masarap naman isawsaw ang mga streetfoods sa ketsup kaya lang mas gusto ko yung sauce nila dun tapos lalagyan ng suka. Eto kasing si Eris hindi naman ako dinala sa night market, dun ako dinala sa super market at bumili ng fishball, kikiam at squidballs tapos sa bahay nila niluto. Yung totoo? Sinong maarte samin?
BINABASA MO ANG
That Gangster
HumorWARNING: PASENSYA NA PO PERO HINDI KO NA PO TATAPUSIN ANG REVISION NITO. Hindi ko po ito kayang burahin dahil first novel ko po ito at gusto kong mabalikan ang mga comments. Thank you so much po.