Chapter 22
Eris: Goodmorning. :)
Masaya na sana ako. Text nya agad nabasa ko pagkagising kagaya araw-araw pero wala naman yung tawag nya sakin na ‘love’ o kahit yung pangalan ko. Hahahaha. Para akong tanga. Baka nga gm pa yan at di pm eh. Kung nag-ggm nga sya. Ang bakla naman pakinggan!
Ang nakakahurt pa don ng slight, hindi nya man lang ako kinakamusta tungkol sa kagabi.
Bumangon na ako sa kama kahit labag sa loob ko. Buti na lang walang pasok ngayon dahil tinatamad ako. Ayoko pa nga diba bumangon kaso ayoko naman maagnas dyan sa kama ko no. Isa pa, tanghali na. Buti na lang talaga walang pasok. Uhhg, ilang beses ko na ba binanggit yun?
“Ew, mukha kang napirat na ipis.” Sabi ng kuya ko sakin pagkababa ko.
Duh, kaysa naman sa kaya. Mukha syang panis na tinola.
Ay oo. May kuya ako na medyo extra. Nakakabadtrip pa don, naiwan ako sa kanya ng dalawang linggo at pangalawang araw na ngayon. Alam nyo na, trabaho ng magulang. Nasa manila sila para sa seminar na hindi ako interesado alamin. Wag lang nila maisip isip na mangibang bansa dahil jusko, ayoko maiwan sa nakakabadtrip kong kuya.
“Ba’t walang pagkain?” tanong ko sa kanya.
“Para mamayat ka. Hahaha. Ayaw mo nun. Baka ma-face of the month ka ulit. Uyyy! Hahahahaha!” At pinagtatawanan nya ako dun. Tarantado talaga forever. Si Mike kasi sinabi sabi pa yun kina mama edi nalaman ni kuya. Oo, sa halip na maproud yan, ipang-aasar nya lang yun sakin dahil alam nyang mahihiya ako. Walangya talaga.
Inirapan ko na lang sya na tumatawa padin sa hindi nakakatawang ‘joke’ nya.Duh.
“Ylaine, ikaw na bahala sa bahay ha. Wag kang aalis dito at ako ang aalis. Ge.” At umalis na nga sya. Makikipagdate lang naman yun. Buti may pumatol. Ang mahal siguro ng nagastos nya sa gayuma bukod ang pamasahe papuntang Quiapo. Hahaha.
Anyway, mabait naman sya at nag-iwan ng limandaang piso na suhol. Buti na lang at tinatamad talaga ako lumabas. Sya pa ang nautakan ko ngayon dahil hindi ko naman kailangan talaga ng suhol dahil nga ayoko gumala. Bibili na lang ako ng pagkain. Malapit lang naman ang puregold dito samin. Buti talaga syudad ang location ng bahay namin.
Naligo ako ng mabilis at pumunta agad sa puregold. Binili ko lahat ng gusto kong bilhin at may natira pang 215 pesos. Not bad.
Papara na ako ng tricycle sana ng nakita ko si Eris na nasa driver’s seat ng kotse nya yata yun. Siguro? Nakapark yung sasakyan nya sa BDO na may inaantay. Obviously. Alangan tumambay lang sya dun.
Hindi ko alam kung gano katagal akong nakatanga lang na nakatingin sa kanya pero alam kong matagal ko syang pinagmamasdan dahil nararamdaman kong tumatagaktak ang pawis ko. Nakakadiri, bago pa naman akong ligo. Ako ba naman nasa gitna ng initan? Syempre ako yung tanga. Pwede namang sumilong sa may waiting shed eh. Pero hindi ako kagad makakakita ng tricycle dun ayoko kasi magjeep ngayon.
Maya maya nakita ko syang napangisi. Sinundan ko ang tingin nya. Napakunot ang noo ko ng makita kong palapit sa direksyon nya ang isang magandang babae. Maganda nga sya pero too bad for her dahil mas maganda parin ako.
BINABASA MO ANG
That Gangster
UmorismoWARNING: PASENSYA NA PO PERO HINDI KO NA PO TATAPUSIN ANG REVISION NITO. Hindi ko po ito kayang burahin dahil first novel ko po ito at gusto kong mabalikan ang mga comments. Thank you so much po.