Chapter 23
Obviously, ang ending ng kadramahan ko kahapon ay pagiging absent ko ngayong araw dahil nagkasakit nga ako diba. Ako ba naman yung kaliligo ko nga lang kapaon, basa basa pa ang buhok tas magpapapawis sa initan? Medyo tanga.
Pero sobrang saya ko ngayon dahil magpapaka bulok ako sa kama. Totoo, walang halong sarcasm. Saya kaya umabsent, no. Lulubos lubusin na hangga’t highschool pa. Nababalitaan ko kasi mahirap daw umabsent sa college dahil mahirap humabol sa lessons. Hahaha ginawa pa talaga yung dahilan eh.
Ahhh pero blessing in disguise ang sakit ko ngayon. Gusto ko magpahinga. Aba, para naman akong madaming ginagawa sa tunog kong yon ano po? Hahaha. Whatever.
From: Mike
Bqt u abcnt ?
Yuck. Jejemon forever. Pero hindi ko sya mababash ngayon dahil wala akong load. Pasalamat sya. Isa pa, wala ako sa mood. Pag naaalala ko si Ella, naaalala kong sila ni Zero. Pag naaalala ko si Zero, naaalala kong kaibigan nya si Eris. Pag naaalala ko si Eris, naaasar lang ako. Bakit ba? Nakakahurt maipagpalit no! Hayst.
Tumunog ang cellphone ko. Nakakairita. Lalong sumasakit ang ulo ko.
Mike calling. . .
“Hello?” –Walang kabuhay buhay kong sagot.
(“Bakit ka absent?”) –Mike
“Trip ko lang. Walang basagan.”
(“Letche, bakit nga? Okay ka lang?”)
“Awww, sweet! Hahahahaha!”
(“Tarantado ka talaga. Ano nga? Bakit? Cutting ako gusto mo? Wala kang kasama dyan no? May pasok kuya mo.”)
“Wow.”
(“Anong wow? Huy ano?”)
“Wala, konting sinat lang—“
BINABASA MO ANG
That Gangster
HumorWARNING: PASENSYA NA PO PERO HINDI KO NA PO TATAPUSIN ANG REVISION NITO. Hindi ko po ito kayang burahin dahil first novel ko po ito at gusto kong mabalikan ang mga comments. Thank you so much po.