Chapter 17
Mike’s POV
Www.friendster.com
Enter.
Ang tagal tagal naman mag-loading. Pakshet kasi yung kapatid ko nakikipagtelebabad nanaman sa dwende nyang boyfriend na mukhang kulang na ang internal body system. Basta! Kaurat lang ang pangit kasi tas pag-aaksayahan nya lang ng oras makipagtawagan eh konektado nga ang pakingshet na internet sa telepono kaya ang bagal bagal talaga ng linya. Ugh.
Bumungad sakin ang napaka ganda kong profile picture na naka-peace sign ako at nasa taas ang anggulo ng camera. Sa tabi nito ay mga information tungkol sakin.
~~
Ella Fernandez (LALALABS)
Shoutout: “Love is like a rosary that is full of myster.”
Female, 18, Single
Member since: Dec. 2008
Profile viewed: 598,843
Location: Infront of our computer
Hometown: Batangas
More:
~30w 6UYzxs! 3L4L4bzxsYou0h! 1mM pfUhrEendLly, prfeeTty && cUt3e. d0nT yEah fpO0urg33t toOuh 44adD m3h 4as 4a fRi!3nd! c0oum3e Ooun! CL!1cKk “Add as Friend” 4nD Let’szx Xhat! Th4nKkyo0Uh!~
=~**E3mOuh_6hUrLszZx**~
~~
Haayst, ang dami dami ko talaga views and friend request. Ohmygod I’m so popular. Hahahahaha!
Click. Home. Viewers.
1. Zero Mendez
2. Angel Cutiepie
3. Mark_AcQouh
4. Dawn Zulleta
5. Richard Gomez
WAIT---
OHMYGOD! Z-Zero Mendez? The popular boy? The so-called-gangster? EEEEEEEEEEEHH! Crush since birth. OHMYGOD!
Agad-agad ko naman tinignan ang friend request ko at hindi ko alam at sobrang happy ko lang kasi inadd lang naman ako ni Zero Mendez! Ohmygod!!! So much kilig might kill me!
Kinlick ko yung accept button na sobrang tuwang tuwa at excite na excite. Naiimagine ko na ang future namin. Magandang maipublish pa ang kwento naming nagsimula sa friend request. Ohmygod!! KILIG!
Uhh wait, antagal talaga magloading! Kinlick ko pa ulit yung accept button ng maraming beses. Hanggang sa…
ERROR. No Internet Connection.
Watdaaa?
“ATE!!!” Kasalanan nila ito ng jowa nyang mukhang sapatos. Nagkikita naman sila araw-araw eh! Bakit kailangan ng telebabad anakng! Gahd! I need water. I’m so beri beri beri much highblood.
BINABASA MO ANG
That Gangster
HumorWARNING: PASENSYA NA PO PERO HINDI KO NA PO TATAPUSIN ANG REVISION NITO. Hindi ko po ito kayang burahin dahil first novel ko po ito at gusto kong mabalikan ang mga comments. Thank you so much po.