Tj POV.
Hinahanap ko lahat ng kaibigan ko pati narin sila Aimee pero wala akong makita ni isa sakanila. Mas mabuti siguro kung umuwe na lang ako. Oo aaminin ko nag aalala ako para kay Aimee pero hanggang don na lang yun.
Pagka labas ko ng gate ng Glam High nakita ko si wendell na naka sandal sa kotse nya.
Nilampasan ko lang sya nababad trip ako sakanya kahit pa best friend ko yan. Alam ko namang mahal nya si Aimee e. Edi mag sama sila tss.Bigla nyang hinila yung braso ko at tsaka ako sinuntok. Alam ko kung para saan yung suntok na yun kaya hindi na ako lumaban tumayo na lang ako at pinunasan yung dugo sa labi ko.
"Kasalanan mo to!" Sigaw nya
"Hahaha e tanga ka pala e. Kasalanan ko bang hindi ko sya mahal ? Tss. Sino bang may pakana na ikulong kame sa AVR ha ? Diba kayo ? E bat ako ang sinisisi mo ?" E gago pala sya. Ano bang gusto nya ha ? Aminin ko kay Aimee na mahal ko sya ? Para saan pa. Ako na nga itong nag paraya e.
"Kasalanan mo kung bakit sya na accidente kasalanan mo kung bakit nag aagaw buhay sya ngayon." Sigaw nya saakin. Ano ? Hindi ako maka paniwala nag bibiro lang sya hindi yon totoo.
"Alam mo kesa nag bubunganga ka jan. Bakit kaya hindi mo na lang sya puntahan ? Baka sakaling pag gising nya mahal kana nya. Hahaha" sinuntok nya ulit ako andami nang estudyanteng naka tinggin saamin pero wala akong paki.
"Wala kang kwenta!"sinabi nya tapos tinalikuran na ako.
"Mahalin mo sya! Higit pa sa kaya kong ibigay." Sabi ko hindi ko alam kung bakit ko sinasabi sakanya ang mga to.
"Hindi mo kailangang sabihin saakin yan. Dahil gagawin ko talaga yon. " sabi nya tapos sumakay na sa kotse nya.
Nang maka alis na sya. Pumunta ako sa dapat kong puntahan.
"Lord. Natatandaan mo pa po ba nung humiling ako ng babaeng mag mamahal saakin ng totoo at tapat ? Lord sorry po kase pinabayaan ko yung binigay nyo saakin. Lord alam ko pong wala akong karapatang humiling pa ulit sainyo dahil in the first place hindi ko naman pinahalagahan. Lord pagalingin mo lang po sya pangako lalayo na ako sakanya dahil alam kong hindi ako ang makakabuti sakanya... Lord gumising lang sya hahayaan kona sya maging masaya... Kahit sa piling ng iba." P*tang*na bakit ako umiiyak ? Putek hindi ako to.
Lumabas ako ng simbahan at dumeretso ng hospital. Nagulat silang lahat ng makita ako."Oh pare andito ka!!!" Sabi ni Derrick at lumapit saakin. Hindi ko sya pinansin. Lumapit lang ako sa pinto ng ICU
"Ano sa palagay mo ang ginagawa mo ?" Tanong ni Wendell
"Gusto ko lang syang makita," sagot ko
"Matapos mo syang saktan gusto mo pa syang makita ? Anong klaseng tao ka!" Sigaw nya saakin.
"Hayaan mo sya Wendell may karapatan syang makita si bessy" sagot ni Hazel
"Pagka tapos nito. Lalayuan kona sya, kaya sana lang alagaan nyo sya higit pa sa ginawa ko." Hinawakan kona yung door knob ng biglang magsalita si Cy
"Tj.... Okay ka lang ?" Tanong nya
"Wag ka mag-alala okay lang ako." Sagot ko at tuluyan ng pumasok sa ICU
Nagulat ako sa nakita ko para akong gulay na nabilad ng matagal sa araw nanlambot ako ng sobra. Ang daming naka kabit sakanya ang dami nyang sugat at gasgas. Para syang walang buhay umupo ako sa upuan na naka lagay sa tabi ng higaan nya.
"Aimee si Tj to. Alam kong galit ka saken... Sorry Aimee. Gising kana Aimee maraming nag hihintay sayo. Aimee mahal kita pero si Wendell mahal ka nya, at kaya ka nyang pasayahin ako kase hindi masasaktan lang kita. Aimee Gumising kana oh. Please lang! Alam mo bang sa buong buhay ko ngayon lang ako nag maka-awa kaya Aimee please gumising kana. Pangako pag gising mo hindi na kita sasaktan... Dahil mawawala na ako sa buhay mo. Mag iingat ka... Mahal kita..." Hinalikan ko sya sa noo nya tapos sa labi nya. Mapunta man sya sa iba sakin naman ang first kiss nya. Yun na lang ang pang hahawakan ko na kahit saglit lang sa buhay ko minahal ako ng katulad nya.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED LOVE STORY-_-
РазноеNung nakilala ko sya, narealize ko na hindi pala lahat ng bad boy masama. Na sa bad boy image nya may nag tatagong good side. at ang swerte ko kase saken lumalabas yung good side nya. nung una hindi ko akalaing ma i in love ako sakanya. na never pum...