Aj POV.
"Okay kana ba ? Bakit pumasok kana ?" AteV
"Okay lang ako ate." Sagot ko at ngumiti sakanya
"Bessy. Waaa imissyou. Sorry ha ?" Sabi nya at niyakap ako kaya niyakap ko rin sya.
"Ate kambal sorry ha ? Namiss ka namin. Wiiee group hug." Nag group hug kaming walo at lumabas na ng classroom para mag recess.
"MNG dito na kayo!" Sigaw ni Jay pumunta kame sa pwesto nila para don kumaen.
"Kamusta Taba ?" Tanong saken ni Cy
"Okay nako, salamat sa pag babantay saken ha ? Payat." Sabi ko sakanya.
"Asa ka! Pinalayas ako ni Mama kaya don ako natutulog sa hospital." Nag tawanan kame sa sinabi ni Cy alam naman kasi naming nag bibiro lang yan. Mahal na mahal kaya yan ni tita Grace (mama nya) hindi lang talaga yan showy.
"Pede ba kame dito mga papa ?" Nilingon namen kung sino yung nag salita si Derrick lang pala.
"Yucks! Bakla hindi pede." Si Jay
"Hahaha. Pa share ng table ha ?" Si Wendell sabay upo sa tabi ko
"Share ? Share na naman ? Tapos ano sosolohin mo ? Ako na nga itong nag share ako pa yung ma aagawan." Ang hugutera ng MNG sino paba si AteV
"Derrick maupo kana nga! Dami mong drama." Pano tinalikuran kame tapos kumaen sya habang naka tayo.
"Yey! Talaga Aimee ? Ang bait mo talaga." Tumabi si Derrick kay Jay
Nag kulitan lang kaming lahat. Matagal pa naman ang next naming klasse e. Napatingin ako sa entrance ng canteen napatulala lang ako ng makita sya.
"Guys si Tj." Bulong ni Derrick hindi ko sya pinansin dahil nag ka titigan kame ni Tj pilit kong binabasa yung mga mata nya pero wala akong makitang emosyon. bigla akong nalungkot kase sa halip kase na lumapit sya mas lalo lang syang lumayo. Bakit nga ba ako umasang lalapit sya dito at kakamustahin ako ? Tanga mo naman Aimee e.
"Aimee..."tawag ni Cy, nag aalala silang lahat na nakatingin saken ? Bakit ba ? Hinawakan ko yung pisngi ko basa nga. HAHA nakakatawa umiiyak na naman ako. All this time akala ko manhid nako sa sobrang daming sakit na naramdaman ko, hindi padin pala.
"Excuse me." Tumayo ako at tumakbo palabas ng canteen. Hinanap ko si Tj hanggang sa makita ko sya sa may likod ng school.
Aimee naman tama na wag mo saktan yang sarili mo. Naawa nako sa sarili ko e. Actually hindi ko alam kung bakit ako nandito, hindi ko alam kung bakit ko sya sinundan.
"Tj..." Tawag ko sakanya humarap sya saken at halatang nagulat. Pero saglit lang nawala rin agad yung gulat sa mata nya.
"Anong ginagawa mo dito ? Umalis kana." Sabi niya saken. Umalis kana. Bakit ganon ? Dalawang salita lang yan pero para milyong milyong sakit ang dulot saken. Pinunasan ko yung mga luha sa mata ko.
"Wag mo'ko iyakan hindi pa ako patay." Ang cold nya. Although cold naman sya dati pa. Pero kase iba ngayon e.
"Tj mahal parin kita...." Aimee tama na nag mumukha ka ng tanga e.
"Hindi kita mahal... Kalimutan mona ako, tigilan mona ako..." Matapos nyang sabihin yun iniwan nya ako. Napa hagulhol ako sobrang sakit lang kase. Ansakit sakit na hindi nya talaga ako kayang mahalin. Heto ako nakaluhod sa lupa para kaseng nawala lahat ng lakas ko nanghihina ako.
"Tahan na. Tigil na sa pag iyak. Magiging okay din ang lahat." Napa yakap ako sakanya hindi ko alam kung bakit kailangan ko ng kaibigan.
"Aimee pede bang ako na lang ?" Tanong niya. Ano daw ?
"Wendell...."
"Aimee mahal kita, wag na si Tj ako na lang." Mahal nya ako ? Kaya nya ba ginagawa lahat ng to ?
"Wendell kaibigan mo si Tj" parang mali naman kase.
"Am I a bad friend Aimee ? Am I already that bad kung gusto ko lang sumaya yung mahal ko ? Kaibigan ko si Tj oo pero hindi niya iningatan yung babaeng pinaka mamahal ko." Hindi ko kayang paniwalaan na mahal ako ni Wendell all this time akala ko kaibigan ko sya pero mahal nya pala ako,
"Hindi tayo pede Wendell... Unfair yun para sayo. Mahal ko si Tj"
"Okay lang na unfair basta may affair. Oo tanga na kung tanga mahal lang kase talaga kita. Aimee please hayaan mokong mahalin ka." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko naguguluhan ako.
"Pero Wendell... Wag kang umasa saken dahil hindi ko alam kung may aasahan ka saken." Ayokong gumamit ng iba para lang maka move on at lalong ayokong makasakit ng iba.
"Just make a space... Space for me in your heart, Aimee kahit konti lang. Kahit isang porsyento lang kapag nagawa mo yun matutulungan kita." Nakita ko yung mga luha sa mata ni Wendell feeling ko ang sama sama ko para paiyakin sya.
"Wendell hayaan mo muna ako mag-isa..."
Umalis ako sa pwesto namin at naglakad palayo. Ang sakit sa dibdib. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya sa'kin. Napaiyak na naman ako ng tahimik habang palayo saknya.
"Hihintayin ko ang sagot mo... Kahit isang porsyento lang, Aimee kahit isa lang." Hindi ko sya pinasin naglakad lang ako palayo. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi kona alam ang gagawin ko. Mababaliw nako.
Mahal ako ni Wendell , mahal ko si Tj. May ibang mahal si Tj
Sana kaya kong turuan ang puso ko na mahalin si Wendell.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED LOVE STORY-_-
De TodoNung nakilala ko sya, narealize ko na hindi pala lahat ng bad boy masama. Na sa bad boy image nya may nag tatagong good side. at ang swerte ko kase saken lumalabas yung good side nya. nung una hindi ko akalaing ma i in love ako sakanya. na never pum...