Ngayon na ang labas ko ng hospital na obserbahan na naman kase ako ng almost 24hours matapos kong magising. naka handa na lahat ng gamit ko para makauwe na.
"Pa. Yung cellphone ko po ba naka survive din ? HAHA" tanong ko sakanya. Ginulo nya yung buhok ko at sinabing.
"Oo. Marami lang gasgas, wag ka mag alala bibili tayo ng bago this weekend." Sabi nya. Yey! Ibinigay nya saakin yung cellphone ko. Mag g gm lang ako sakanila.
"Guys Sorry... Thank you rin kase lage pala kayong nasa hospital... Ngayon pala ang labas ko ng hospital, Guys Hindi na'ko galit pero pede bang wag nyo muna ako dalawin ? Gusto ko lang mapag isa. Bonding na lang tayo pag pasok ko. Imissyou all."
Sinend ko yun sakanilang lahat syempre maliban kay Tj asa naman ako na dadalwin ako nun. Tsaka unti-unti ko ng tatangapin na wala na talagang pag-asa.
"Anak tara na.'' Sabi ni mama. Itinulak na ng nurse yung wheelchair ko palabas ng hospital.
Ng maka uwe kame ng bahay nag pinag pahinga lang ako ni papa. Dinner na ng bumaba ako para kumaen. Kailangan kong mag bawe tatlong araw akong walang kaen e hahaha.
Matapos ang dinner namin naisipan kong pumunta sa garden wala lang parang gusto ko mapag isa.
"Anak.." Tawag sakin ni papa at naupo sa harap ng upuan ko. Inilagay nya yung isang baso ng gatas tapos may dala syang kape nya.
"Salamat po pa." Ininom ko yung gatas ko dahil baka mag tampo si papa alam kong sya nag timpla nito.
"Pa... Sorry" yumuko ako dahil sobrang nahihiya ako sakanila.
"Okay lang yun anak. Lahat ng tao na sasaktan." Tumingin ako kay papa.
"Anak tatlong bagay lang ang kailangan mong gawin sa ngayon. ACCEPT. LET GO.andMOVE ON. mahirap talaga sa umpisa pero magiging madali ang lahat kung gugustuhin mo talaga." Tama sya kailangan kona talagang kalimutan si Tj.
"Tama ka papa. Pero paano ko uumpisahan" ngumiti sya saakin at sinabing
"Una kailangan mo munang tanggapin na hindi kayo para sa isa't-isa, Ikalawa pakawalan mo sya dahil alam kong nasa puso mo sya, buksan mo yung puso mo para lumabas sya at tuluyan ng mawala yung sakit. Ikatlo kalimutan mong minahal mo sya, pero wag mong kakalimutang naging kaibigan mo sya. Dahil kahit papano naging parte narin sya ng buhay mo, alam kong hindi mopa kayang maging kaibigan sya. Pero kapag tuluyan ka ng naka limot at handa ka na, ibalik mo yung dating samahan nyo ng walang involved na feelings. Naniniwala ako sayo anak kaya mo yan." Ang lalim pero damang dama ko. Thankful talaga ako na may papa akong kagaya nya.
Ininom ko yung gatas ko hanggang maubos at tsaka ako nag salita ulit,
"Pa, Naniniwala ka talaga saken na kaya ko ?'' Tanong ko sakanya
"Oo naman! Ikaw paba ? Edi ba sabi mo saakin dati sa tuwing nadadapa ka. 'Papa hindi ako iiyak ako si Super Aimee.' HAHAHA" naa alala ko pa yung mga panahon na yun. Sana itong sakit nato kagaya na lang ng sakit pag nadadapa ako at sasabihin kong 'HINDI AKO IIYAK DAHIL AKO SI SUPER AIMEE.'
"Papa, sana hindi na lang ako lumaki sana bata parin ako para hindi ako nasasaktan." Niyakap ako ni papa at sinabing.
"Alam mo anak hindi ka naman lumaki e alam mo na maliit kapa din hahaha joke! Alam mo kase anak lahat ng tao dadaan at dadaan sa puntong masasaktan ka talaga. Kaya itulog mona lang yan. Andito lang si papa." Hinalikan ko sya sa pisngi nya at sinabing.
"Good night po papa. Iloveyou po. Thank you po kase laging kang anjan." Pumasok na ako sa loob. Hinanap ko yung phone ko sa loob ng kwarto ko at ng makita ko nag post ako ng picture namin ni papa na ang caption ay.
"The reason why daughter's love their dad the most is that there is at least one man in the world will never hurt her. Iloveyou papa thanks for everything."Natulog na ako dahil bukas kailangan ko ng lakas... Lakas para kalimutan sya...
a/n:sobrang naiyak ako sa chapter nato dahil sobrang namiss ko yung daddy ko. Daddy wherever you are iloveyou.
Facebook: Alissa Joy Leobrera
Twitter: alissa_josiah
Instagram: AlissaJoy23
![](https://img.wattpad.com/cover/65631576-288-k803740.jpg)
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED LOVE STORY-_-
RandomNung nakilala ko sya, narealize ko na hindi pala lahat ng bad boy masama. Na sa bad boy image nya may nag tatagong good side. at ang swerte ko kase saken lumalabas yung good side nya. nung una hindi ko akalaing ma i in love ako sakanya. na never pum...