CHAPTER 20-THE TRUTH

3 2 1
                                    

Aimee POV.

He was saying good bye to me. He was letting me go. And it really hurts. Wala ng Wendell na kasabay kong pumasok at umuwe. Nabawasan na ang kaibigan ko. Wish ko lang sana pag balik niya okay na sya.

*Beep.* tinignan ko kung sinong nag txt si Derrick pala.

"Hi Aimeeow! Can we talk !? 3pm sa dati." Name code ng tambayan namin. Doon kame bumuo ng memory ni Tj dati. ayoko sanang pumunta na bi bitter ako e. Pero kase di'ko ugaling mang indian. Na ligo ako at nag ayos para pumunta don dahil 2:30 na.

"Mama. Alis lang po ako saglit." Paalam ko sakanya

"Oo sige. Ingat ha ? Balik agad." Sabi niya nag nod lang ako.

-------

Habang hawak ko ang door knob kinakabahan ako, hindi ko mapigilang isipin na baka anjan siya sa loob.

"Oh ayan na pala si Taba e." Inilibot ko ang tingin ko sa loob pero walang bakas ng Tj. Tss asa pa Aimee tanga mo e.

"Ahh. Hehe sensya na nalate ba ako ? Ano bang meron.?" Tanong ko ng maka upo sa sofa kompleto ang MNG, si Cy si Jay at si Derrick

"Panahon na para maging masaya ka." Sabi naman ni Jay

"Masaya naman akong kasama kayo a," sabi ko, ano ba talagang naguguluhan nako e.

"Hindi yun bessy."

"E ano ba ?" Tanong ko

"Ganito. Natatandaan mo pa yung bulaklak sa gate niyo dati ?" Tanong ni ateV

"Oo." Sagot ko yun yung araw na hinatid ako ni Wendell

"Ang sabi saken ni Wendell kay Tj galing yon." Sabi naman ni Derrick

HAHAHA. joke bato ? Wag niyo naman ako lokohin oh. Sawa nakong maloko.

"Hahaha. Please wag ako iba na lang." Natatawang sabi ko pero walang nag bago seryoso parin sila,

"Nak. Alam kong naguguluhan ka. Pero..." Sabi ni nanay alondra

"Pero ano ? Teka linawin niyo na kase. Gulong gulo nako e." Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil ang ayoko ss lahat yung maraming keme.

"Ate... Kase nung nasa hospital ka at wala pang malay. Nag punta si Tj." Kambal. Ugh ano ba talagang nangyayari ? at Bakit ngayon lang nila to sinasabi saken. Tinignan ko lang siya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Narinig ko lahat ng sinabi niya, nirecord ko pa. At nakita ko hinalikan ka niya, siya yung first kiss mo. Ate kambal mahal ka niya." Hindi ko alam pero may luhang pumatak sa mata ko. Naguguluhan ako, kung mahal niya ko bakit hindi niya sinabi ? Bakit pinagtabuyan niya ako.

Ibinigay niya saken yung cellphone niya na may kasamang headset. "Pakinggan mo. Yan yung sinabi niya sayo."

"Aimee si Tj to. Alam kong galit ka saken... Sorry Aimee. Gising kana Aimee maraming nag hihintay sayo. Aimee mahal kita pero si Wendell mahal ka nya, at kaya ka nyang pasayahin ako kase hindi masasaktan lang kita. Aimee Gumising kana oh. Please lang! Alam mo bang sa buong buhay ko ngayon lang ako nag maka-awa kaya Aimee please gumising kana. Pangako pag gising mo hindi na kita sasaktan... Dahil mawawala na ako sa buhay mo. Mag iingat ka... Mahal kita..." Binigay ko na sakanya yung phone niya matapos kong mapa kinggan yung mga sinabi ni Tj, kaya pala pakiramdam ko may first kiss na'ko. Totoo naman pala e. Pero bakit kaya itinago niya yung feelings niya ? Bakit binigay niya ako kay Wendell ?

Hindi ako makapag salita, hindi ko kaya mag salita. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin gulong gulo nako.

"Mahal na mahal ka niya Aimee, kaya sana please lang wag ka nang magalit kay Tj. Hindi lang naman kase ikaw yung nasaktan dito e. Kung nasaktan ka MAS si Tj, dahil habang masaya kang kasama si Wendell nasa likod mo si Tj umiiyak siya dahil MAS nasaktan siya, kaya sana wag ka lang mag focus sa sakit na nararamdaman mo, nasasaktan rin siya." Sapalagay ko tama naman si Derrick e, hindi lang ako ang nasasaktan sa aming dalawa.

"Taba. Sundin mo yung sinabi sayo ni Wendell bago siya umalis, maging masaya ka sa piling ni Tj. Hindi lang ikaw ang magiging masaya, tayong lahat magiging masaya kung maayos niyo yan ni Tj. Intindihin mo na lang yung desisyon ni Tj dahil nagawa niya lang naman yon dahil kaibigan niya si Wendell." Dagdag pa ni Cy

"Nag sisisi na si Tj sa pag paparaya niya sayo. Gusto ko rin maging masaya siya dahil parte siya ng Tropa natin." Comento pa ni Jessa

"At si @BleedingHeart sa Twitter siya si Tj." Dag dag pa ni Derrick kaya pala panay ang tweet saken si Tj pala yun

"Salamat Sainyo, hindi naman ako galit lay Tj e. Salamat sa pag sasabi ng totoo." Sabi ko sakanila

"Karapatan mo naman kase malaman yung totoo e." Sabi ni Mutya

"Bessy. Pambawe namin to sayo. HAHAHA" dagdag pa ni bessy. Malinaw na sakin ang lahat, masaya ako sa mga nalaman ko.

"Group hug mga panget." Sigaw ni Jay at nag group hug nga kame.

Lord thank you po, dahil nalaman ko yung totoo. Thank you rin po sa pag bibigay ng kaibigang kagaya nila.

THE UNEXPECTED LOVE STORY-_-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon