Chapter 2

42 0 0
                                        




*2*

Hopeless Romantic


"Where's your room? I'll take you there," he asked as we get inside the hospital. But I got distracted. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay namin. We're still holding hands. Tender warmth traveled through my cold, pale skin. Body heat.

He noticed me looking down at our fingers intertwined. "Oh, sorry," he said shyly while loosening the grip.

I made a face. Uhh.. I'm not complaining tho. I actually don't mind it at all. I let out a laugh on the inside. Raging hormones. He also looks like just about my age. Ranging from 17-20 I guess?

Nakakahiya naman kasing itanong. Baka hindi na rin naman kami magkita pagkatapos nito.

"Its on the 5th floor. We better take the elevator first," I said walking past him towards the nearest elevator.

Ang daming tao sa loob pagpasok namin. Nakasiksik tuloy ako kay Anthony. Nakaalalay pa ang braso niya sa likod ko kung sakaling ma out of balance ako dahil medyo nagkakatulakan kapag may lumalabas na. I don't know if its a good or bad thing tho. Kilig ba 'tong tawag dito?

I tried to hide my grin by biting my lower lip hoping he wouldn't notice it. Pero ako naman 'yung hindi makapagpigil na tumingin sa kanya. Nasa pang-apat na palapag na kami nang pasimpleng umangat ang tingin ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang magkaroon kami ng eye contact.

That just means.. nakatingin na siya sa akin bago ako tumingin sa kanya, 'di ba?

I basically caught him staring at me but I was the one acting all fidgety and awkward. Nararamdaman ko na naman ang pagpula ng mukha ko. Parang wala nga lang sa kanya. Tinawanan niya lang! Mas lalo lang tuloy akong nahiya. Sakto namang nasa ikalimang palapag na kami kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa paglabas habang nakasunod lang sya sa akin.

Napabuntong hininga ako ng matanaw na malapit na ang silid ko. Ibig sabihin lang nito.. maghihiwalay na kami ng landas. Hay, I pouted.

"Nice meeting you again, Serene. What a lovely name suited for a lovely lady like you."

The struggle is real na talaga. Ang hirap magpigil ng ngiti, ah! Mamaya dumugo na 'tong labi ko kakakagat ko, e. Pero 'yung pagpula naman ng mukha ko ang hindi ko mapigilan!

I love my unique name but he makes me love it even more the way he says it.

Tumango na lang ako sa kanya. He's too mesmerizing. "Same here," I murmured, trying so hard to contain myself from all these butterflies on my stomach and jell-o knees.

"See you around then," he said smiling one last time before he turn around and leave me hanging outside my room. Even his mere back is attractive. Darn.

What did he just say? May chance pa bang magkita kami ulit? I smile widely at the thought. Hopefully. I never really look forward to seeing someone until we crossed paths earlier. Saglit lang 'yon but his effect still lingers.

"Ms. Lopez? Have you eaten your dinner?" tanong ng isang nurse na lumapit sa akin pag-alis ni Anthony.

Nasa labas pa rin pala ako ng kwarto. Umiling ako sa kanya at tuluyan ng pumasok para kainin ang pagkain nilang hinanda sa loob. Nakakauta talaga ang pagkaing ospital! Halos dito na nga ako tumira buong buhay ko pero hindi pa rin ako nasasanay.

Pinilit ko na lang ubusin tulad ng dati. Pinilit ko rin ang sarili ko na matulog kahit na paulit-ulit na pumapasok sa isip ko 'yung pagkakakilala namin kanina.

This is the first time I felt this way. I've seen a lot of beautiful guys around but I've never been this captivated by any of them. Ngayon lang. I think I'm crushing on him.


Just When Will I EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon